Isang Online Seller na Lalaki ang nagsuot ng mga Gowns na paninda upang ipakita sa kanyang customer



Sa pagunlad ng teknolohiya kasama na din ang pagunlad sa mga negosyo sa online. Tunay na nakakatulong para sa atin ang pagbili sa mga online sellers. Hindi mo na kasi kailangan malayo pa o pumunta ng malls upang bumili. Karaniwan din sa mga binibili sa online ay dinadala na sa mimong bahay. Kaya naman laking ginhawa nito sa ilang mga tao.


Kaso may mga negatibo din ang pagbili minsan sa mga online na tindahan. Minsan ay hindi kahalintulad ng mga litratong makikita ang bagay na nabili mo. Kaya naman nagsisisi tayo sa pagbili. Pero pagiging maingat lamang ang susi ang kailangan upang hindi maloko. Bago ka bumili siguraduhin mo muna ang kredibilidad ng bibilhan mo. Katulad na lamang ng ipinamalas ng isang lalaking ito na hindi matatawaran ang kanyang pagpapakita ng kanyang mga produkto.




Ang AliExpress ay isang online retail service na base sa China. Ito ay pagmamay-ari ng Alibaba. Katulad ng mga ibang online shops, halos lahat ng nagtitinda sa AliExpress ay nagpapakita ng mga magagandang litrato at mga modelo. Isang buyer na pangalan ay Andreea Patriche ay isang siguristang mamimili. Kaya naman nanghingi siya ng makatotohanang litrato ng mga gowns at hindi humingi ng mga stock na litrato.


Kaya naman nabigla siya noong ipinakita ng isang chinese ang mga gowns na suot niya. Pero ang nakaka-bilib ay isang lalaki ang nagsuot nito. Dahil sa post ni Patriche, umani ito ng samut-saring reaksyon sa social media. Marami ang humanga sa ipinamalas na dedikasyon ng chinese seller sa kanyang pagtitinda. Talaga namang todo pose din ang ginawa ng lalaki upang makita ng mabuti ang kagandahan ng kanyang paninda.



Sabi din ng iba na dapat ay bumili na siya kahit isa sa mga gowns dahil mura lang ito na may halagang 101 dollars at maganda pa. Kaya naman sa mga online sellers diyan, umisip kayo ng magandang pakulo upang maging mabenta ang inyong paninda. Tularan niyo na lamang itong chinese online seller na buong lakas loob na isinuot at ipinagmalaki ang kanyang mga gowns.

Source:RachFeed





error: Content is protected !!