Ito na pala ang buhay ng sexbomb girls noon!



Ang Sexbomb girls o kilala din bilang mga Sexbomb Dancers ay all-female sing and dance group sa Pilipinas. Nagsimula sila bilang mga mananayaw at talaga namang nagpakita ng angking galing sa pag-arte kung kaya naman hindi na nakapagtataka na naging matagumpay ang ilan sa kanila sa larangan ng pag-arte o pag-aartista. Ang grupo ding ito ng mga kababaihan ang tinanghal na “The Best-Selling Philippine Female Group of All Time” na sinundan lamang ng “Aegis”. Kilala rin sila sa kanilang “Get, get aww!”, at bilang mga mahuhusay na mananayaw ng Eat Bulaga-isa sa pinakamatagal nang “noontime show” sa ating bansa ngayon.

Lingid sa kaalaman ng marami ay mayroon na silang kani-kaniyang buhay, ito na nga ang mga Sexbomb dancers natin noon:

ROCHELLE PANGILINAN


Si Rochelle Pangilinan-Solinap ay 36-taong gulang na aktres, mang-aawit, manunulat ng awitin, at mananayaw. Agosto 8, 2017 nang siya ay ikinasal sa kaniyang nobyo na si Arthur Solinap at ngayon ay ipinagbubuntis niya ang panganay nilang anak. Maraming taon man ang lumipas matapos niyang maging parte ng Sexbomb Girls, patuloy pa rin siya sa pag-arte at hanggang ngayon ay napapanuod natin siya bilang si Sally Batay.



JOPAY PAGUIA



Jopay Paguia o kilala rin bilang si Diofanny Jane Paguia ay 36-na taong gulang na aktres at mananayaw. Siya ay pinsan ni Nadine Lustre at asawa ng sikat din na mananayaw at dating miyembro ng Maneuvres na si Joshua Zamora. Ikinasal sila noong 2014. Kahit pa nakunan siya noong 2015, masayang-masaya naman sila ng maisilang ang anak na si Isabelle Alessa.

IZZY TRAZONA


Si Izzy Trazona-Aragon ay ikinasal sa dating aktor na si Alvin Aragon. Sila ay nabiyayaan ng dalawang anak. Sa ngayon ay nagtatrabaho bilang Assistant Manager sa Generics Pharmacy at isa din siyang Zumba Instructor.

AIRA BERMUDEZ


Si Aira Bermudez ay kilala rin bilang si Eiraliz P. Bermudez. Siya ay 35-taong gulang na aktres at mananayaw. Siya na ngayon ang lider ng Sexbomb Girls, ang head choreographer at co-manager.

MIA PANGYARIHAN


Si Mia Pangyarihan naman ay isa nang ganap na restaurateur kasama ng kaniyang partner na negosyante, sila ngayon ang namamahala ng “Templo Modern Szechuan Fushion” na isang restaurant sa Quezon City.

WENG IBARRA


Si Weng Ibarra ay isa nang ina sa kaniyang anak na si Anastacia.

SUGAR MERCADO


Si Sugar Mercado o Ma. Sugar Mercado sa totoong buhay ay 32-taong gulang na mananayaw, aktres at host ng isa sa pinakasikat na programa sa telebisyon na pinangungunahan ni Willie Revillame. Bagamat siya ay hiwalay sa kaniyang asawa dahil sa pangmamaltrato ng mister sa kaniya, mag-isa niya pa ring itinataguyod ang kaniyang dalawang anak.

JOHLAN VELUZ


Si Johlan Veluz ay isa namang “guest relations officer” sa Networld Hotel matapos niyang kumuha ng make-up class at culinary arts.

SUNSHINE GARCIA


Si Sunshine Garcia ay aktibo pa rin sa industriya ng show business at madalas pa ring nakikita sa mga programa ng Kapamilya network at Banana Sundae. Kamakailan lamang ay nagsilang siya ng malusog na lalaking sanggol at malapit na rin silang ikasal ng kasintahan na si Alex Castro.

CHE-CHE TOLENTINO


Si Che-Che Tolentino ay isa na ring negosyante. Siya ang CEO ng Elite Business International.

SANDY TOLENTINO


Hindi naman din iniwanan ni Sandy ang pagsasayaw. Dahil sa siya ay mananayaw pa sa Dubai at nakilala bilang si Liwayway sa Wowowin.

EVETTE PABALAN


Si Evette Pabalan naman ay nakapagtapos ng “Accounting and Payroll Administrator”. Siya ay isa na ring misis at ina. Kasalukuyan silang naninirahan ngayon sa Canada kasama ang kaniyang pamilya.




error: Content is protected !!