Tayo ay mamangha sa kagandahan ng mala-modernong bahay nila Zsa Zsa at Architect Conrad



Parehas na dating may asawa, pinagsama pa rin sila ng kapalaran at sila ay namumuhay ng masaya. Si Zsa Zsa Padilla ay isa sa mga sikat na singer at aktres, na dating asawa ng namayapang hari ng komedya na si Dolphy. Masayang nagmahalan silang dalawa ng 23 na taon. Si Conrad Onglao naman ay isang arkitekto na may asawa dating beauty queen na nagsama din ng mahigit sa sampung taon.


Nagkakilala silang dalawa dahil kay Mega Star Sharon Cuneta na parehas nilang kaibigan. At sa taong 2014 ay sila ay nagsama na at tumira sa isang napakagandang bahay sa Makati. At siyempre sino pa ba ang mag-didisenyo ng bahay kundi si Architect Conrad Onglao. Kaya naman silipin natin ang kagandahan ng disenyo ng bahay nila. Makikita din kung gaano kahusay ang pagkaka-gawa sa bahay na isang modernong istilo. Ito ang magpapamalas ng talento ni Architect Conrad Onglao.



Ang itsura ng loob ng bahay


Nakaka-mangha ang itsura ng loob ng bahay dahil sa pagka-moderno ng itsura. Ang mga dingding ay nagliliwanag dahil sa puting kulay. Ang nagpaganda pa nito ay ang mga kahoy na kagamitan at halamang mga disenyo. Ang kakaiba pa sa pagkaka-gawa dito ay ang hagdan. Imbis na bakal o kahoy ang maging gabay ng hagdan, tempered glass ang ginamit na talaga namang nagpaganda ng itsura ng bahay. Sa may harapan ng hagdan ay may lugar kung saan ay makikita ang mga naging koleksyon ni Conrad na nagmula pa sa mga bansang Zamboanga, China, Indonesia, France, at United States.


Ang sala naman ay may kakaibang disenyo din. Imbis na kongkretong dingding ginawa itong salamin upang makita ang labas.


Ang kusina naman at dining table ay nakaka-mangha din. Ito ay dahil sa kaluwagan ng lugar.



Ang kanilang Masters bedroom ay mataas ang ceiling. Kaya daw ginawa ito upang maging majestic.


Ang itsura ng labas ng bahay




Ang bungad ng bahay ay may magandang disenyo dahil sa mga halaman at puno na nakapaligid dito.

Sa may roof top naman nila ay may lugar kung saan ay pwede silang kumain at mamahinga sa lugar na kung saan ay matatanaw ang lungsod ng makati.


Maganda ba ang bahay nila? Sana ay nakatulong ito para sa mga nagnanais magkaroon ng bahay o kaya naman para sa pagpapaganda ng bahay.




error: Content is protected !!