Naalala niyo pa ba si Jerry Yan ng “Meteor Garden”? Ito na pala siya ngayon!



Sino ba naman ang hindi nakaka-alala sa programang nagpakilig sa maraming mga Pilipino noon, na nagkaroon man ng maraming mga “adaptation” ay tila hindi pa rin mapapalitan sa ating mga puso ang unang “Meteor Garden”, unang F4, at unang Shan Cai na ating kinahumalingan, hinangaan at pinaka-abangan?


Bago pa man magkaroon ng Lee Min Ho, Dylan Wang, at Gong Yoo at mayroon munang isang Jerry Yan na bumihag sa puso nating mga Pilipino. Taong 2000 ng pakiligin tayo ng grupo ng F4 sa programang “Meteor Garden”. Si Jerry Yan ay gumanap bilang si Dao Ming Si na talaga namang minahal at sinubaybayan ng napakaraming mga Pilipino.




At ngayong 2019 na, naging usap-usapan sa social media ang larawan ni Jerry Yan na matapos ang dalawang dekada ay tila wala pa ring pinagbago! Si Jerrry Yan ay kilala rin bilang si Liao Yang Zhen, isang 42 taong gulang na aktor na taga-Taiwan, modelo, at mang-aawit. Kilala din siyang miyembro ng sikat na boyband na F4.


Bagamat umamin siya noong November 10, 2017 na nagkakamabutihan na sila ng Taiwanese host, modelo, aktres at mang-aawit na si Lin Chi-ling, hindi naman ito kinumpira o itinanggi ng dalawang panig. Ngunit makalipas lamang ang isang taon ay hindi na nagpaunlak ng kahit anong komento ang aktor at ito ay tinanggi na ng aktres.



Talaga namang ikinabigla ito ng marami niyang taga-hanga. Minsan pa ay nagnanais ang marami na magkasama-samang muli ang F4 na binubuo nina Jerry Yan, Vanness Wu, Ken Chu, Vic Chou at si Shan Cai na ginampanan noon ni Barbie Hsu.