Isang Pinoy ang nanalo at tinaguriang “King of Ice Carvings”



Likas talaga ang pagiging magaling ng Pinoy. Dahil na din sa angking kasipagan at talento. Marami na ring nakikilalang Pinoy sa buong mundo at lubos nating ipinagmamalaki ito. Isang Overseas Filipino Worker o OFW ang nagkaroon ng isang napakagandang karangalan. Ang taong ito ay nagtatrabaho sa isang cruise restaurant sa France. Ipinagmamalaki siya ngayon ng bansa dahil sa pagkapanalo niya sa international ice sculpture contest na ginanap sa France.


Siya si Rogel Cabisidan na may edad na 46 at ipinanganak sa Paete, Laguna. Hindi naging biro ang kompitisyon dahil nineteen ang kinalaban niya sa 28th edition ng Valloire International Ice Sculptor Competition sa Southeastern City ng Valloire Savoie, France. Kaya naman marami ang humanga sa kanya at paghanga ng iba ay paghanga na rin sa ating bansa.




Natutunan ni Rogel ang kanyang talento nang siya ay nagumpisa noong siya ay 14 taong gulang pa lamang at ang materyal niya sa carving ay kahoy. Siya ay nakatapos ng kolehiyo na may diploma sa Hotel and Restaurant Management sa Laguna. Kaya naman sa kanyang talento, ginagamit niyang carving medium ay mga pagkain katulad ng chocolate, butter, fruits, at gulay. Kaya noong siya ay naging OFW, sinubukan naman niyang gumamit ng ibang medium. Kaya naisip niya na mag-carving gamit ang yelo. Sumasali na siya ng mga ice carving competition simula pa noong taong 2012. Kaya naman naging bihasa siya sa larangang ito.


Ang kompetisyon ay tumagal din ng January 15 hanggang 18. Tinawag niya ang kanyang obra na “Sitting” ito ay imahe ng isang babae na nakaupo na may matutulis na mga buhok na parang isang korona. Mahirap mag-carve ng yelo dahil nagbabago ang temperatura ng paligid. Kaya tinutukan ito mabuti ni Rogel. Kinakailangan din nilang tutukan ito ng magdamag upang mapanatili ang itsura. Dahil nabilib ang mga judges sa likha niya, siya ang nanalo sa contest. Ang kanyang tagumpay ay alay niya din sa mga kababayan at sa bansa.



Ito ang mga sinabi ni Rogel:
“Sinabi ng jury na dapat yung ice ko transparent. Ang mga jury kasi gusto nila abstract. Ako naman ang gusto ko realistic. So pinaghalo ko yung abstract at realistic. Buong tao, pero ‘yung katawan niya cube-cube siya tapos yung buhok niya diretso. Tapos, minentain ko yung transparent. Ayun, lahat ng jury sabi nila ang ganda ng ginawa ko,”

“Nagustuhan ng judges kasi transparent ang yelo at walang crack kasi maganda ang temperature lalo sa gabi -12, -8 kaya na-maintain namin ang ganda ng yelo. Nag-stay kami hanggang 1 o’clock para kasi doon ang maganda ang yelo. Maganda magtrabaho kasi matigas tapos pwede kang magdikit ng yelo. Hindi siya matutumba kasi malamig,”


“(Of course, I’m very) proud, 100% proud Filipino!”

 






error: Content is protected !!