Kilalanin ang pinakamagandang truck drayber ng Japan!



Marami sa atin ang mayroong larawan ng maskulado, malaking tao ay mayroong makapal na balbas na mga truck drayber lalo na dito sa Pilipinas. Ngunit isang babae mula sa bansang Japan ang naging usap-usapan sa social media dahil sa napakaganda nitong mukha at katawan sa kabila ng pagiging truck drayber nito na isang trabahong kadalasan ay mga lalaki ang gumagawa.



Siya ay nakilala bilang si Rino Sasaki na dati rin pa lang isang traditional dance teacher sa Kochi Prefecture sa Japan. Normal lamang ang buhay ng 21-taong gulang na dilag na ito ngunit nagbago ang lahat ng nagkasakit ang kaniyang mahal na ama. Isang truck drayber din ang kaniyang ama na nagtatagal ng maraming oras sa gitna ng kalsada, hindi ito matanggap ni Rino na mag-isang nagmamaneho ang kaniyang ama dahil sa matanda na at may sakit pa ito.


Kung kaya naman sinamahan niya ang kaniyang ama at ito ay isa sa pinakamagandang nangyari sa kaniyang buhay. Mas nagkaroon siya ng maraming oras kasama ang kaniyang ama at natutunan din niyang magkumpuni at mag-ayos ng truck at ilan pang mga gawain na tanging mga truck drayber lamang ang may kakayanang gawin.


Kung noong una ay sinubukan pa niyang magkaroon ng mga “dance classes” sa libreng oras niya, napag-isip-isip niyang mahirap talaga at nangangailangan din ng sapat na oras ang nais niyang ito at ang oras ng mga truck drayber ay hindi talaga naka-fix kung kaya naman isinantabi na muna niya ito.



Habang siya ay bumabyahe ng maraming mga milya sa daan upang maghatid ng mga sariwang gulay at prutas hindi niya inakalang mamahalin niya din pala ang trabahon ito. At talaga namang siya ay nakilala ay nagpahanga rin sa napakaraming mga tao na nakasaksi sa angkin niyang kagandahan at higit sa lahat ay ang pagmamahal niya sa kaniyang ama. Hindi na nakapagtatanga na siya ay tinagurian bilang isa sa mga hinahangaang “tragirls” o “female truck drivers” ng bansang Japan.




error: Content is protected !!