Unang beses na pagpapasilip ni Regine Velasquez-Alcasid ng kaniyang walk-in closet, hinangaan ng publiko!



Si Regina Encarnacion Ansong Velasquez o mas kilala ng publiko bilang si Regine Velasquez-Alcasid ay 49 na taong gulang na mang-aawit, aktres, at record producer. Siya ay nakilala ng husto nang sumabak siya sa “1984 Ang Bagong Kampeon” at sa “1989 Asia-Pacific Song Contest” kung saan naging kinatawan siya ng bansa sa huli.



Hunyo 2017 nang kinumpirma niya ang relasyon sa singer at songwriter na si Ogie Alcasid. Agosto 2010 naman nang ipahayag nila sa publiko ang kanilang nalalapit na pag-iisang dibdib. Disyembre naman ng parehong taon ng ikasal sila sa Batangas.


Nobyembre 8, 2011 nang ipanganak niya ang kanilang panganay na si Nathaniel James. Siya ay isang born again Christian at inamin niya noon na nakunan siya na talaga namang naging malaking dagok sa kaniyang pagkatao at ito rin ang naging dahilan upang maging Kristiyano siya.


Kamakailan lamang ay ibinahagi ng Asia’s Songbird ang kaniyang walk-in closet sa kauna-unahang pagkakataon. Pagbabahagi pa ng beteranang mang-aawit halos kalahati ng kaniyang mga damit ay hindi pa niya nagagamit. Nagbahagi din siya ng ilan sa mga hindi niya mallilimutang alaala ng ilan sa kaniyang mga gamit kagaya na lamang ng kaniyang Louis Vuitton na sapatos na binili pa niya sa New York. Sa kaniyang vlog ay pinasilip niya sa publiko sa unang pagkakataon ang kaniyang walk-in closet. Oktubre 1 nang ipinost niya ito sa social media.



“Hindi namin pinapakita talaga ‘yung walk-in closet namin, hindi sa ayaw namin i-share. It’s because, you know, it’s very personal. Kaya kapag nagha-house tour we never show the upstairs. It’s always just the first floor,” Pahayag ni Regine.

Una nang ipinakita ni Regine ang walk-in ng kaniyang mister na talaga namang malinis at organisadong organisado. Matapos nito ay nasilayan na nga ang kaniyang “closet” na talaga namang punong-puno ng koleksyon ng mga damit at mga sapatos. Ilan sa kaniyang mga paboritong sapatos ay Louis Vuitton, Gucci, Alexander McQueen, Tom Ford, at Channel.