Tampok ang kaniyang Pinoy Food Stall sa London, isang Pinoy ang nag-uwi ng P24 milyong piso na premyo sa isang patimpalak!

Ang Pilipinas na marahil ang isa sa maraming mga bansa sa buong mundo na mayroong pinakamaraming mga taong mahilig sa pagkain. Sadyang napakarami nating mga pagkain na maipagmamalaki sa buong mundo. Mga pagkain na sariling atin na talaga namang hinahangaan din ng maraming mga dayuhan, ilan na sa mga halimbawa at ang ating adobo at sinigang na talaga namang hindi papahuli sa lasa at sarap! Ito ay ilan lamang sa mga bagay na nakapagpapanabik sa mga Overseas Filipino Workers sa ibang bansa o ang ating mga minamahal na OFW. Karamihan din naman sa kanila ay napagdedesisyunang magtayo ng mga negosyong restaurant o food stall na nagtatampok ng ating mga putahe sa bansang kanilang kinaroroonan.

Isa na marahil dito ang Phil-Am na si Lee Johnson. Gaya rin ng maraming mga batang Pilipino, siya ay ipinanganak sa Pilipinas kasama ng kaniyang lola. Sa ngayon ay naninirahan na siya sa London kasama ang kaniyang kaparehang si Sinead Campbell na isang Irish. Taong 2014 nang sila ay nagtayo ng food stall sa London na nagtatampok ng iba’t-ibang klaseng pagkaing Pilipino. Hindi naman nagtagal at naisakatuparan nila ang kanilang plano at ito ay pinangalanan nilang “BBQ Dreamz”.


Hindi lamang pagkaing Pinoy ay mabibili sa kanilang food stall dahil sinisigurado ni Lee na ang mga pagkaing ito ay papatok din sa panlasa ng mga taong naninirahan sa London. Isang halimbawa na marahil ang pamosong “Lechon Kawali”, na sinamahan pa nila ng kulantro, kintsay, at labanos. Gayundin naman ang sikat na sikat nating adobo na tinawag nilang sticky adobo chicken wings na nagtatalo ang tamis at asim na lasa na talaga namang hahanap-hanapin ng mga taga-London.


Kamakailan lamang ay naging maugong ang pangalan ng kanilang food stall dahil sa nagwagi ito sa BBC Reality TV contest na may pamagat na “My Million Pound Menu” kung saan sila ay nagkamit ng tumataginting na 24 na milyong piso! Naungusan pa nila ang ilang mga kalahok tulad ng “The Duck Truck”!


Dahil sa isang food stall lamang ang mayroon sila ay sinusunod nito ang oras o schedule at hindi ito namamalagi sa iisang lugar lamang. Dahilan ito upang mas makilala pa ang BBQ Dreamz ng mas maraming mga tao. Muli na naman ngang namayagpag ang galing at husay ng mga Pilipino!



error: Content is protected !!