Kulay Itim Na Manok, may kamahalan ang presyo na nagtataglay ng kakaibang lasa!



Isa sa mga paboritong kainin ng tao ay ang manok. Kahit anong luto dito ay sobrang tinatangkilik ng maraming tao. Bukod sa pagiging white meat ay maraming sustansya ang nakapaloob sa karne ng manok. Madalas din nating i-order sa mga kainan ang mga putahe nito. At talagang paborito ng lahat ang Fried Chicken.


Pero kapag sunog ang naprito o inihaw na manok, siguradong aayawan natin! Lalong-lalo na kapag kulay itim na ang kulay. Dahil kapag kinain mo ang sunog na parte, siguradong mapapaitan ka. Paano naman kapag sadyang kulay itim ang kulay ng manok, kaya mo bang kainin? Ayon sa mga paniniwala, ang kulay na itim na manok daw ay nakakapag-dala ng kamalasan. Pero sa iba naman ay nakakapag-pagaling ng karamdaman ang manok na ito.




Ito ang Itim na Manok na nagmula sa Indonesia. Tinatawag siyang Ayam Cenami na hango sa salitang indonesia na “Ayam” – manok at “Cenami” – Itim. Ang mga klase ng manok na ito ay breed sa Florida ni Paul Bradshaw, na nagmamay-ari ng Greenfire Farms.


Ayon kay Bradshaw sa isang interview ni Gizmondo:
“The source of all its blackness is because of the gene mutation that emerged in Asia centuries ago that eventually made its way to Europe”



Ayon pa kay Bradshaw, ang Ayam Cenami ay nagugustuhan ng mga tao sa kanilang lugar dahil sa kakaibang kulay at lasa nito.

Noong dati, pinaniniwalaan ng mga Indonesian na isang espiritual na nilalang ang Ayam Cenami, kaya naman hindi ito kinakain. Pero lubos na nakaka-giliw tignan ang mga itsura nito lalong lalo na kapag natapatan ng liwanag ng araw. Kahit ang kulay ng itlog ay itim din.



Dahil bihira lang ang mga ganitong klase ng hayop, mahal ang presyo nito. Kung nais mong magkaroon ng Ayam Cenami, mabibili mo ito sa halagang Php 103,000 hanggang Php 130,000. Pero kung gusto mo lang ay ang itlog, nagkaka-halagang Php 20,000 ang isa. Isang nakaka-tuwang kaalaman ito para sa mga mahihilig kumain ng manok. Mapapaisip ka na lang din kung ano ang lasa ng Ayam Cenami. Ikaw, kapag bumili ka ba nito, kakainin mo ba o aalagaan na lang?