Ayon sa isang pag-aaral mas masaya ang mga kababaihan sa mga lalaking hindi masyadong gwapo!



Kung marami sa atin ang naniniwala na hindi dapat maging dahilan o usapan ang hitsura ng isang lalaki sa isang relasyon marami din namang mga kababaihan ang umamin na mas naaakit sila sa mga lalaking hindi naman talaga kagwapuhan kumpara sa mga makikisig na lalaki. Ito ay ayon sa isang pag-aaral at maraming mga tao ang hati ang opinyon ukol dito.


Sa isang pag-aaral na ginawa ng Florida State University sa mga “heterosexual couple” ay nagpapatunay na mas nagiging matagumpay ang relasyon ng isang babae at lalaki kung mas maganda ang babae kumpara sa lalaki.




Ayon sa isang artikulo sa Unilad, narito ang ilang kadahilanan kung paanong ito ang naging pag-aaral ng mga eksperto. Ang nasabing pag-aaral ay mayroong 113 na mga respondante na kakakasal pa lamang sa edad na 20-anyos pataas na nakatira malapit sa Dallas at hindi kasal pa lamang ng hindi bababa sa apat na buwan.


Ayon din naman kay Tania Reynolds isa sa mga mananaliksik ay may malaki at negatibong epekto ang pagkakaroon ng gwapong mga mister lalo na kung ang kanilang mga misis ay hindi naman masyadong kagandahan. Maaari din daw na magkaroon ng matinding pagbaba ng timbang ang mga kababaihan na maaari ding magdulot o magkaakibat ng depresyon, labis na pag-aalala, pag-abuso sa droga at hindi pagiging kutento sa buhay.


Sa kabilang banda hindi rin naman naaapektuhan ang interes ng mga kalalakihan sa pag-dyedyeta ng panglabas na kaanyuan ng kanilang minamahal o kapareha. Mas nagiging committed ang mga mister sa pagpapasaya ng kani-kanilang mga misis lalo na kung alam nilang mayroon silang magandang kabiyak. Upang matulungan ang mga kababaihang ito hindi dapat makalimot ang kanilang mga mister na ipaalala na sila ay maganda anumang timbang o hitsura ang mayroon sila.






error: Content is protected !!