Isang Balong Pinay ang naiyak sa pagkikita nila ni Pope Francis sa UAE, siya ay nakatanggap din ng espesyal na rosaryo!



Si Sally Chan Mallari ay 13 taon nang balo at isa ring breadwinner ng pamilya. Isa siyang “Overseas Filipino Worker” o OFW, isa sa mga modernong bayani ng ating panahon ngayon dahil sa kanilang sakripisyo para sa kanilang pamilya.



At ang modernong bayani na ito ay nakatanggap ng pinakamagandang biyaya sa kaniyang buhay kung saan nakilala at nakita niya si Pope Francis at nakatanggap din siya ng personal na “blessing” mula sa Papa. At ang nakakatuwa pa rito ay nakatanggap siya ng espesyal na rosaryo bilang isang regalo mula sa kaniya.


Nagsumikap ng mabuti si Sally sa kaniyang trabaho sa United Arab Emirates (UAE) kung kaya naman hindi na kataka-takang mula sa pagiging kahera ay isa na siyang personal assistant ng isang dignitary roon.


Dahil sa napag-alaman nilang tumutuloy ang Pope sa St. Regis Abu Dhabi, hindi na nagdalawang-isip si Sally at kaniyang mga kasamahan na hintayin ang Papa at ilang sandali pa ay papalapit na ito sa kanila. Dahil sa hindi na napigilan pa ni Sally ang kaniyang damdamin, dali dali itong tumakbo papalapit sa Papa at naging balita rin ito sa buong mundo dahil sa hindi na napigilan pa ang kaniyang emosyon at maiyak sa harapan ni Pope Francis.



Nagbahagi din siya ng video sa kaniyang social media account kung saan siya ay labis na nagpapasalamat sa pagbisita ng Papa sa UAE at nawa ay pagpalain pa ng Diyos ang bansang UAE. Marami din namang mga tao ang naka-relate sa nangyaring ito kay Sally. Ibinahagi din ng mga ito kung gaano nag-uumapaw ang kanilang kaligayahan dahil sa pagbisita ng Papa kahit pa ang ilan ay sa kanilang mga telebisyon lamang siya nakita.



with Pope Francis.????????Jiane Nicole Mallari Julianne Mallari Joey Chan Anna Chan Jean Holly Chan-Eustacio Virgie Chan Angelina Gaza-Abueg Manuel K. G. Abueg

Posted by Sally Chan Mallari on Sunday, February 3, 2019

Marami ang namangha na binigyan si Sally ng rosaryo ng butihing Papa. Kamangha-mangha ang karanasang ito ni Sally na talaga namang pumukaw din sa puso ng maraming mga Pilipino.




error: Content is protected !!