Panganay ni Ina Raymundo usap-usapan ngayon dahil sa kaniyang kaakit-akit na ganda!



Si Rina Marie Padilla Raymundo ay kilala rin sa screen name na Ina Raymundo. Siya ay masayang namumuhay kapiling ang kaniyang mga anak at ang Canadian-Ukranian na negosyanteng si Brian Poturnak. Biniyaan sila ng limang mga anak. Isang lalaki na nagngangalang Jakob at apat na mga babae na sina Erika, Mikaela, Anika at Minka.



Taong 2016 nang inamin nang 42-taong gulang na aktres ang dahilan kung bakit hindi siya masyadong nagbabahagi ng larawan ng kaniyang panganay na anak. Ayon sa kaniya nais ng kaniyang anak na manatiling “anonymous” at inirerespeto ito ng ina. Dagdag pa niya ang kaniyang panganay ay maganda, matalino, matatag tulad ng kaniyang ama at marunong mag-isa.


Si Erika ay tinatawag din ng kaniyang ina bilang “The Next Sabado Nights Girl”. Sa mga hindi nakakaalam, ang “Sabado Nights” ay isang kilalang commercial ng beer na San Miguel Pale Pilsen kung saan tampok si Ina Raymundo na umere noong ‘90s.


Kung ang ina ay hinahangaan ng marami dahil sa angking ganda at payat na pangangatawan kahit pa mayroon na siyang limang mga anak, ang anak naman ay lubos ding hinahangaan hindi lamang sa kaniyang magandang mukha kung hindi pati na rin sa kaniyang payat na pangangatawan sa murang edad tulad na lang din ng kaniyang ina na walang tulak-kabigin sa kagandahan. Dahil dito maraming mga tao ang nagsasabing dapat niyang sundan ang yapak ng kaniyang ina.



Mayo noong nakaraang taon nang magbahagi si Ina ng larawan ng kaniyang 9 na taong gulang pa na panganay noon kasama ang sikat na American singer na si Bruno Mars. Noong tinanong siya tungkol sa kaniyang payat na pangangatawan inamin nitong dapat pasalamatan ang kaniyang hilig sa pag-eehersisyo at pagsayaw.

 

View this post on Instagram

 

How does a person go from this to THIS in j 10 hours

A post shared by Erika Rae (@erikaa.rae) on


Ipinagmalaki din naman ni Ina ang pagsali ng kaniyang anak sa isang sports camp sa Amerika upang mas maging disiplinado at magkaroon pa ng maraming kaalaman sa pagiging fit.




error: Content is protected !!