Ikinamangha ng publiko ang throwback photos ni Dawn Zulueta, tila hindi naman siya tumatanda!



Si Dawn Zulueta ay kilala rin bilang si Marie Rachel Salman sa tunay na buhay. Siya ay ipinanganak noong ika-apat ng Marso taong 1969. Siya ay isang Pilipinang aktres, host, at commercial model na naging kilala sa industriya ng show business mula taong 1986.


Nanalo din siya ng Supporting Actress of the Year in the Film Academy of the Philippines dahil sa kaniyang natatanging pagganap sa “Una Kang Naging Akin”. Matapos nito ay idineklara siya bilang Box Office Queen taong 1994 dahil sa mahusay niyang pagganap sa highest-grossing film ng taon: “The Maggie Dela Riva Story..God Why Me?” mula sa Guillermo Mendoza Memorial Foundation Entertainment Award.




Wala ngang duda na isa si Dawn Zulueta sa pinakamagagandang mukha sa industriya ng show business noon at ngayon. Sa kaniyang social media account ibinahagi nga ng 49 taong gulang na aktres na talaga nga namang walang kupas ang kaniyang angking kagandahan. Ika-16 ng Enero ng inilabas ng aktres ang kaniyang mga larawan na tiyak na kakasa sa usong-uso na challenge sa social media ngayon na #10yearchallenge. Ang kaniyang ibinahagi na mga larawan ay noon pang 2008 at 2018. Mga larawan na tila wala namang pagkakaiba sa isa’t-isa. Sa ngayon ay mayroon na itong 60,000 na “likes” at nasa isang libong mga komento.



Marami ding mga netizen ang hindi mapigilang magkomento sa mala-Diyosang kagandahan ng aktres na kahit pa ilang taon ang lumipas hindi pa rin kumukupas ang kaniyang husay at galing bilang isangaktres at ang kaniyang angking kagandahan magmula pa noong siya ay nagsisimula sa industriya ng show business. Mayroon din namang ilan na nakapansin na habang tumatagal ay paiksi ng paiksi ang kaniyang buhok. Ngunit anumang itsura ng kaniyang mukha ay hindi pa rin maikakaila na isa siya sa mga inspirasyon ng mga kababaihang Pilipino noon at ngayon.


Source:Push




error: Content is protected !!