Nagtatago ang batang ito sa kaniyang mga kaklase habang kumakain ng kanin na may toyo at suka para sa pananghalian!



Sa buhay, hindi ka maaaring makapunta sa dalawangum lugar sa iisang pagkakataon. Ito ay imposibleng mangyari dahil sa ang bawat tao ay may kanya kanyang katangian, personalidad at kakayahan. Parang reyalidad na hindi mo naman makakain ang mga pagkain na kinakain ng iyong kapwa. Ayon na lamang din sa isang matandang kasabihan na, hindi mo kasalanang ipinanganak kang mahirap ang magiging kasalan mo lamang ay mamatay kang mahirap! Malaking problema nga ito hindi ba?


Ngunit kung tayong matatanda na at may maayos ng pag-iisip ay nahihirapan pa sa problema ng kahirapan, paano na lamang ang mga kabataan o ang mga paslit na nakararanas nito? Sa dami ng dinaranas natin sa araw-araw, maaaring nawala na sa ating kaisipan na mas maraming mga tao o di kaya naman ay grupo ng mga tao ang mas nakararanas ng mga sakripisyong ito o di kaya naman ay mga bagay na mas matindi pa.




Napaisip ka na ba na sa maraming mga pagkakataon na ikaw ay hirap na hirap na at nais nang sumuko, mayroon pang mga tao na mas hirap sayo ngunit patuloy at patuloy pa rin silang bumabangon?

Isang nagngangalang Curiba ang nakakita sa batang lalaki na ito na kumakain ng kaniyang panghalian mag-isa. Tinatanong niya ang kaniyang pangalan ngunit tila wala siyang naririnig at nagulat siya na mayroon nakakita sa kaniya habang kumakain ng kanin na mayroong toyo at suka bilang ulam. Nanatili lamang ang bata sa pagkain habang nakayuko.



Ayon kay Curiba, siguro ay nag-aaral ang paslit sa San Mateo Elementary School sa Tungao, Butuan City. Naghagilap agad siya ng malapit na tindahan upang maibili man lang ng sapat na pananghalian ang bata ngunit kahit isang tindahan ay wala. Kung kaya naman napagdesisyunan na lamang niya na magdala ng makakain kapag siya ay dadaan muli sa lugar na iyon.

Halos karamihan sa atin, nangangarap ng mga mamahaling gamit, bahay at lupa, kotse, negosyo, at marami pang mga materyal na bagay ngunit hindi natin ito basta-basta kayang abutin lalo na kung hindi naman ka naman ipinanganak ng may gintong kutsara sa bibig. Kaya naman napakalaking hamon at inspirasyon ng batang ito sa maraming mga indibidwal lalo na sa mga kabataang Pilipino na nais matupad ang kanilang mga pangarap sa kabila ng kahirapan.





error: Content is protected !!