Dating tindero ng buko ngayon ay isa nang matagumpay na CEO ng isang cost-saving energy company sa Guam!



Ang pagiging matagumpay ay hindi basta basta nangyayari sa pagpitik ng ating mga daliri. Nangangailangan ng dedikasyon, matinding pagsusumikap, at kauting swerte. Sa katunayan, maraming mga malalaking negosyanteng Pilipino ngayon ang nakaranasan din ng kahirapan bago makamit ang tagumpay. Ang mga pagsubok ay normal na bahagi lamang ng ating pang-araw-araw na buhay. Isa na marahil ang Filipino-American na ito na minsang nangarap upang magkaroon ng magandang kinabukasan at ngayon ay mayroon nang magandang buhay sa Guam.

Siya ay ipinanganak sa isang mahirap na pamilya mula sa siyudad ng Nabua sa Camarines Sur. Siya ay nakilala bilang si Rino Manzano na maagang namulat sa hirap ng buhay at nagtrabaho sa murang edad upang makatulong sa kaniyang pamilya.


Siya ay naging isa ring “bet collector” at isang tindero ng buko na sinusuyod ang bawat lugar sa kanilang barangay para makatulong sa kaniyang lola na kumita ng pera. Dahil sa hirap ng buhay noon ay nagtitiyaga na lamang si Rino at ang kaniyang lola sa asin at mantika na ginagawa nilang ulam kung talagang walang-wala sila. Bagamat matinding hirap ang kanilang naranasan hindi ito naging hadlang sa pagtatagumpay ni Rino. Sa halip ay mas nagtiyaga at nagsumikap pa siya upang makaahon sila sa hirap. Dahil na rin sa kaniyang pagsusumikap at tiyaga nakatapos siya ng pag-aaral ng dahil sa pagbebenta niya ng mga memorial plans at pagiging isang waiter. Nakapasa din siya sa board exam at naging isang Certified Public Accountant o CPA.




Sa kasalukuyan, isa na siya sa mga in-demand na lider sa industriya ng power engineering at energy integrating designs. Bukod sa pagiging isang Chief Executive Officer (CEO) ng PODER Company, siya ay nagsisilbi din bilang isang General Manager ng Marianas Energy Co. sa Guam. Sa katunayan, ilan pa sa mga kilalang power plant na nagkakahalaga ng milyong piso ay dinisenyo mismo ng kompanya ni Rino. Ilan sa kanilang mga kliyente ay mula pa sa mga bansang South America, United Kingdom, South Africa, at South Korea.




error: Content is protected !!