Ang Kwento ng Tagumpay ng Jollibee at ni Tony Tan Caktiong

Mapa-bata o matanda, ang paboritong kainan na madalas puntahan ay Jollibee. Kung may okasyon, kaarawan man o simpleng salo-salo lang, Jollibee parin ang hinahanap ng isang Pinoy. Pero marami sa atin ang hindi alam ang istorya ng sikat na kainan na ito.

Ating alamin kung paano nakilala hindi lamang sa ating bansa pati na rin sa buong mundo ang sikat na kainan na Jollibee. Ang nagtatag o bumuo ng Jollibee Food Corporation ay si Tony Tan Caktiong. Ang korporasyon na ito ang isa sa pinaka-sikat at matatag na korporasyon sa larangan ng pagkain sa bansa.


Pero sino nga ba si Tony Tan Caktiong? Siya ay pangatlong anak sa pitong magkakapatid. Dahil sa hirap ng buhay sa isang probinsya sa China, minabuti nilang mamuhay sa bansang Pilipinas. Ang ama ni Tony ay isang chef sa isang templo ng China kaya naman pagpunta nila sa ating bansa, nagkaroon siya ng pagkakataon na makapag-trabaho sa Davao. Di rin nagtagal ay nagkaroon sila ng restaurant kung saan ay tulong-tulong ang pamilya.


Sa pamamagitan ng negosyong kainan ay nakapag-aral si Tony sa University of Santo Tomas bilang Chemical Engineering. Noong taong 1975, sa kagustuhang kumita, kasama ng mga kaibigan ni Tony, ay nagbago ang isip nila at napunta sa Magnolia ice cream plant sa Quezon City. Pero ng buwan ng Mayo, naka-kuha sila ng franchise sa halagang Php 350,000 kung saan nagtulong-tulong din ang pamilya sa negosyo. Pero naisipan nilang hindi nila kakayanin ang lahat. Kaya naman naisipan nilang gumawa ng sistema kung saan ay pwede silang kumuha ng tao upang mag-sanay sa gawain. Ilan sa mga pangalan ng mga branch nila ay Cubao Ice Cream at Quiapo Ice Cream.


Siyempre dahil hindi sa lahat ng pagkakataon ay ice cream lang ang hanap ng tao, dinagdagan nila ang kanilang produkto at naglagay ng hamburger. Naging sikat ito noong taong 1978. Upang lalong makilala ang kanilang produkto, kailangan nila ng magandang pangalan. Naisip nila ang bubuyog o “bee” sa pagiging masipag at jolly sa pagiging masaya. Kaya sa dalawang pangalan na ito ay nabuo ang pangalang Jollibee.



Reply

error: Content is protected !!