Ikinatuwa ng marami ang mga highschool na estudyanteng ito at ang kanilang mga yearbook entry!



Karamihan sa mga yearbook, makikita mo ang mga pangunahing impormasyon ng mga mag-aaral kasama na rin ng kanilang mga paboritong kasabihan, kataga o kaya naman ay ang pangarap nila na nais nilang makamtan sa hinaharap.


Halimbawa na lamang ay ang mga nag-aaral ng pre-school o kaya naman ay mga mag-aaral ng elementarya kung saan nagsusulat sila ng ninanais nilang maging paglaki nila. Kadalasan, pagiging doktor ang kanilang isinusulat o kaya naman ay isang guro ngunit ang mga kabataan ngayon ay napakarami nang propesyon na mapagpipilian.




Ang mga hayskul at mag-aaral naman sa kolehiyo ay kadalasan ding pinagsusulat ng mga paborito nilang kasabihan o kataga. Kung ikaw ay pagsusulatin o kaya naman ay tatanungin kung ano ang nais mong mailagay sa inyong yearbook, ano kaya ang mas nanaisin mo, ang seryosong sagot o yung talaga namang tatatak at makapagdudulot ng halakhak sa makababasa nito?


Karamihan sa mga mag-aaral na ito mula sa hindi pinangalanang paaralan na magtatapos na ay talaga namang nakapukaw ng atensyon ng mga netizen dahil sa kakatuwa nilang mga sagot sa kanilang yearbook. Kung marami ang nagsulat at sumagot ng seryosong mga bagay, marami din naman ang idinaan ito sa biro o kaya naman ay sa nakakatuwa nilang personalidad na kitang-kita naman talaga sa kanilang mga ibinahaging kasabihan.



Matapos nga naman ang kanilang pagsusunog ng kilay, ayos lang naman siguro ang sandaling pagpapatawa at pagbabahagi ng mga kasiya-siyang bagay sa nalalapit nilang pagtatapos. Bagamat wala nang kaakibat na grado o marka ang kanilang mga sagot, talaga namang nakakamangha ang talas ng kanilang kaisipan at ang kanilang “sense of humor”.


Nasiyahan ka ba na basahin ang kanilang mga yearbook entries? Ikaw? Ano kaya ang nakakatuwang yearbook entry mo kung muli kang bibigyan ng pagkakataon na makapagsulat nito. Mas nanaisin mo kaya ang seryosong yearbook entry? O di kaya naman ay ang kakatuwang kataga ng mga batang ito?





error: Content is protected !!