Isang kabute na Ganoderma ang natagpuan na mas mahal pa sa ginto



Sa hirap ng buhay ngayon, minsan ay nangangarap tayo na maka-kita ng kayamanan. Iyong tipo bang walang nagmamay-ari at makakapagpa-bago ng buhay. Minsan din ay nakaka-swerte at nakaka-pulot tayo ng pera na nalaglag o naiwan ng tao. Siyempre, kung wala namang maghahanap nito pwede mo naman sigurong gamitin na ito.


Pero hindi ganoon kadali ang buhay! Hindi natin pwede i-asa lahat sa biglaang swerte lahat ng bagay. Ang kinakailangan ay mag-sipag at magpursigi sa lahat ng pagkaka-taon na maka-ahon sa kahirapan.




Kung sakaling dumating man ang swerte mo sa buhay, huwag mo ding kalimutan na tumulong sa iyong kapwa. May isang nakaka-bilib na pangyayari ang naganap kung saan ay isang mangingisda ang naka-tagpo ng isang malaking kabute. Ang kabute na ito ay tinatawag na Ganoderma na isang pinaka-mahal na klase ng Lingzhi mushroom.


Alam niyo ba na mas mahal pa ito sa ginto? Tama, dahil bihira lang sa mundo ang klase ng ganitong kabute. Kaya kapag naka-hanap ka ng ganito siguradong magbabago ang buhay mo.



Noong unang panahon, si King Qin Shi Huang ay hirap sa paghahanap ng kabuteng ito. Ayon sa paniniwala, kapag may ganito kang kabute, magiging isang imortal ka. Sa libro ni Li Zhen na “The Compendium of Materia Medica” ang mga kabuteng ito ay maaaring ihalo sa pagkain o kaya naman sangkap sa paggawa ng gamot. Labis na ikinasaya ng mga nakatira sa Sichuan Chengdu na isa sa kanilang lugar ang nakatagpo ng isang kabute na mahirap mahanap. Ang ganoderma na nakita ay may habang 40 cm at may bigay na lamapas sa 9 na kilo.


Ang kabute na nahanap ay nagtataglay ng polysaccharides, protein, fats, amino acids at iba pang mga elemento ayon sa mga eksperto ng Tianjin Oriental Medicine Institute. Ang kabute din ay maaaring makagamot ng maraming malubhang sakit. Mahal ang bentahan nito, ang isang gramo ay may halagang 39,000 na dolyar. Siguradong magbabago ang buhay ng naka-kita ng kabute.





error: Content is protected !!