Sanitary napkin na lang ang ginamit ng driver na ito dahil sa wala nang mabilhan ng face mask ngayon kahit saan!



Hindi biro ang pinagdadaanan ng maraming mga Pilipino sa ngayon. Noon pa man ay hindi na madali ang buhay para sa marami sa atin ngunit patuloy pa ring lumalaban at nagiging matatag ang bawat isa sa bawat hamon ng buhay.



Hindi na bago sa atin ang mga balita patungkol sa mga taong bumibili ng bultuhan o namamakyaw ng mga pangunahing pangangailangan ng publiko sa ngayon. Tulad na lamang ng face mask, alcoh0l, sabon at marami pang iba.


Nakakalungkot isipin ngunit marami sa atin ngayon ang tila mas inuuna pa ang kapakanan ng kanilang mga sarili kaysa ang isipin ang kapakanan ng ibang mga tao. Dahil sa pagpapalawig ng ating pamahalaan ng “enhanced community quarantine” ay marami sa atin ang kinakailangan nang manatili sa ating mga tahana sa loob ng isang buwan o higit pa.


Ito ay upang hindi na lumaganap pa ang nakakatakot na karamdamang ito na sa ngayon ay kumitil na ng maraming mga buhay. Maraming mga Pilipino ang nangangamba sa kanilang kaligtasan at maging sa kaligtasan ng kanilang mga pamilya ngunit hindi rin talaga makatarungan ang ibang mga tao na bumibili ng napakaraming mga supplies na talaga namang sobra sobra pa sa kanilang mga pangangailangan.

Dahil dito ay hindi na nagkakaroon pa ng pagkakataon ang ibang mga tao na makapamili rin ng para sa kanilang mga pangangailangan. At ang naging resulta ng naging pagiging makasarili at gahaman ng marami ay tuluyan nang walang magamit ang ilang mga Pilipino.



Tulad na lamang ng isang driver na ito na nakuhanan ng video ng reporter na si Johnson Manabat ng ABS-CBN News. Ang driver na ito ay nakitang mayroong suot suot na “sanitary napkin” sa kaniyang mukha sa halip na face mask.

Ang driver na ito ay nakilala bilang si Arnel Losada. Umani ng maraming mga komento at reaksyon mula sa publiko ang naturang video.

Ayon sa driver ay nais lamang niyang proteksyunan ang kaniyang sarili laban sa kumakalat na sakit ngunit kahit saan siya bumili ay wala na siyang mabilhan ng face mask. Talaga namang pahirapan na ang pagbili ng face mask sa ngayon at kung mayroon ka mang mabibilhan ay sadyang napakamahal ng mga ito!



Source: Abscbn




error: Content is protected !!