Isang Bilyonaryong may edad na 100 ay patuloy pa rin sa pagtatrabaho



Ngayong panahon, napaka-swerte mo na kapag naabot mo ang edad na 80-90 taon. Dahil na rin sa mga pagbabago sa ating mundo. Sa katunayan, noong panahon dati ay natural lamang sa mga tao noon na marating ang ganitong edad. Ang pamumuhay kasi dati ay nalalayo na sa pamumuhay ngayon. Masisigla at talagang batak sa trabaho ang mga tao noon lalong lalo na iyong mga nagtatrabaho sa mga bukid.


Nitong Marso 2018, naglabas ang Forbes ng listahan ng mga Bilyonaryo sa buong mundo. Isang Bilyonaryo ang sobrang kapansin-pansin dahil mayroong edad na 100 na ang taong ito at patuloy pa ring nagtatrabaho at pumpapasok pa sa opisina araw-araw.




Siya ay si Chang Yun Chung na taga-Singapore. Siya ang founder ng Pacific International Lines (PIL) na may ner worth na 1.9 Billion Dollars. Sa isang interview ng CNBC, sinabi ni Chang na patuloy niyang binibisita ang PIL upang siguruhin ang magandang takbo ng operasyon. Kahit na ipinamana na ito sa kanyang anak na si Teo Siong Seng bilang executive chairman, minabuti niya paring tulungan dahil kaya pa rin niyang gawin ito at ayaw niyang manatili sa bahay dahil siya ay tinatamad doon.


Ito ang sinabi ni Chang:
“Every day, I write down all my activities in my diary, everything. Every (head of) department comes to see me. I cannot stay at home. (I’d get) very, very bored,”

Nakaka-bilib diba? 100 taong gulang? Ito ang mga sikreto niya:
1. Huwag magpakita ng pagka-init ng ulo
2. Umiwas sa sigarilyo at alak
3. Mag-ehersisyo
4. Healthy Diet



Ang PIL ang isa sa pinaka malaki sa industriya ng shipping. Mayroon itong 18,000 na empleyado. Tunay na isang malaking organisasyon na kinakailangan ng maayos na pamamahala. Kaya naman ang anak na si Teo ay may natutunan na mahalagang aral sa kanyang ama, ito ay ang pagiging kalmado. Patuloy pa rin siyang natuto sa kanyang ama katulad ng pagrespeto sa mga empleyado at maging isang ihemplo at lider para sa kanilang lahat.



Ito ang ibinahagi ni Teo:
“In any business, especially shipping, there are a lot of uncertainties. There can be political issues, technical issues, or accidents. It doesn’t help to lose your temper and get all worked up. So, staying calm is something that I learnt from him and I’m still learning from him,”




error: Content is protected !!