Isang lalaki ang nakakita sa palaboy na asong ito, inalagaan niya at talaga namang gumanda ito!



Tayong mga Pilipino ay talaga namang mayroong malambot na puso pagdating sa ating mga alagang hayop. Aminin man natin o hindi, kapag tayo ay napalapit na sa ating mga alaga ay tila ba nagiging kapamilya na ang turing natin sa mga ito. Kadalasang itinatabi sa pagtulog, sinasabay na kumain, binibili ng mga gamit, damit, pagkain, pag-aruga at binibigyan ng oras at kalinga.




Kamakailan lamang ay isang Indonesian national ang nagbahagi ng kwento niya patungkol sa isang aso na halos buto at balat na niya nang makita, at talaga namang iniligtas, inalagaan at pinaganda niya diumano ang kawawang aso. Ayon sa kwento ni Rico Soegiarto, habang papauwi niya noon galing sa kaniyang trabaho ay nakakita siya ng isang aso na talaga namang payat na payat na at halos hindi na makakilos sa kahinaan nito.


Napansin din niyang isa pala itong husky, breed ito ng mga aso na talaga namang hinahangaan ng marami hindi lamang sa maganda nitong mata kundi sa makapal at malago nitong buhok. Si Rico ay isang dog-lover kung kaya naman agad agad na niya itong iniuwi at inasikaso.



Maraming araw at buwan ang lumipas at unti-unti na ngang sumisigla at nagiging maayos ang hitsura ng iniligtas niyang aso. Bukod sa pagtubo at pagkapal ng mga balahibo nito ay talaga namang kapansin-pansin ang pagiging maayos ng hitsura nito.



Ang husky na kaniyang iniligtas ay pinangalan niyang “Hope”. Tunay ngang naging isang napakalaking biyaya ni Rico kay Hope, kung hindi dahil sa kaniyang kabutihang-loob ay hindi muling mabibigyan ng pagkakataon ang kawawang aso na makapamuhay ng maayos.