Isang 91 taong gulang na teacher ang nakakapag-turo pa sa isang eskwelahan sa Aklan



Ang pagiging guro ay maituturing na bayani. Hindi biro ang gampanin ng isang guro. Bago maging isang ganap na guro, dumadaan muna ang mga may kagustuhan sa mahirap na pagsubok. Kasama na dito ang matinding pag-aaral at determinasyong makatapos.


Para sa mga mag-aaral, ang mga guro ay itinuturing na mga pangalawang magulang. Dahil marami sa oras ng isang mag-aaral ay nasa patnubay ng kanilang mga guro. Malaking bagay din ang mga naituturo ng mga guro, hindi lamang sa kanilang mga subjects pati na rin sa kagandahang asal na ipina-pakita nila. Kaya bilang isang indibidwal na naalala nila ang kanilang guro, dapat ay mag-bigay pugay kayo sa sakripisyong ibinahagi nila sa buhay mo. Kung hindi dahil sa mga guro ay hindi mararating ang kinatatayuan mo ngayon.




May isang nakaka-bilib na isang guro na sa edad na 91 ay masigla pa ring nakakapag-turo sa isang eskwelahan. Siya ay si Gonzalo Tosco Maravilla na naka-tira sa Albasan Numancia, Aklan. Siya ay ipinanganak noong ika-10 ng Enero taong 1928. Isa siyang guro sa Mathematics at Physics sa Madyaas Institute sa may Barangay Poblacion, Numancia. Siya ay nagtuturo sa paaralang ito simula pa noong taong 1950.


Dahil sa edad niyang 91, ang mga nakaka-trabaho niya ngayon ay mga dati na rin niyang mga naging estudyante. Ito ang naging dahilan upang matuwa at ipag-malaki ang mga naging estudyante sa narating nila. Kahit na ganito ang edad niya ay kayang-kaya niya pa ring magturo. Nakakapag-salita pa rin siya ng maayos at malakas pa rin ang pandinig. Isa din sa hilig niya ang mag-ayos ng mga elctronic na appliances sa kanyang bahay.



Ibinahagi din niya ang kanyang sekreto sa pagiging masigla. Ang pag-iwas sa bisyo at pagkain ng gulay ang ginagawa niya upang marating ang edad na 91. Nilalakad niya rin mula sa kanilang bahay papuntang eskwelehan na nagsisilbing ehersisyo na rin. Saludo kami sayo Teacher Gonzalo! Siguradong ipinag-mamalaki ka ng mga naging mag-aaral mo sa dedikasyon mo sa pagtuturo.




error: Content is protected !!