Coco Martin nagdala ng kaniyang alagang ahas sa sasakyan at talaga namang tumakot sa aktres na si Bianca Manalo!



Si Rodel Luis Pacheco Nacianceno ay kilala rin bilang si Coco Martin sa industriya ng show business. Sa ngayon ay ginagampanan niya ang karakter ni Cardo Dalisay na dating pulis at ngayon ay pinuno na ng samahan ng “Vendetta”. Ang kanilang programa sa ABS-CBN na pinamagatang “FPJ’s: Ang Probinsiyano” ay talaga namang pinakatututukan ng mga Pilipino gabi-gabi. Ang nasabing programa ay tumatalakay sa mga kasalukuyang usapin ng ating bansa at naghahatid ng maraming mga aral sa buhay.



Kamakailan lamang ay naging usap-usapan sa social media ang isang video kung saan ang aktor at direktor na si Coco Martin ay mayroong dala-dalang ahas sa kaniyang sasakyan habang nagmamaneho ng kaniyang dyip kasama ang mga kapwa artista na sina Yassi Pressman, John Prats, Marc Solis, at Bianca Manalo. Hindi na lingid sa kaalaman ng marami na hilig din ng leading lady ni Coco na si Yassi ang mga exotic pets kagaya nito.


Kung kaya naman wala kang mababakas na takot sa aktres na ito habang inilalagay ang ahas at pinapagapang sa kaniyang mga hita. Hindi rin naman natinag sina Marc Solis at John Prats. Makikita pa ngang nilalaro pa ni John Prats sa kaniyang mga braso ang nasabing ahas.


Habang bakas na bakas naman sa mukha ng aktres na si Bianca Manalo ang matinding takot ng makita ang munting kaibigan ni Coco Martin na isang ahas na mayroong itim at dilaw na kulay.



Kinagiliwan din naman ng maraming mga netizen ang video na ito ng mga karakter ng “FPJ’s: Ang Probinsiyano”. Ang iba naman ay kinikilig pa dahil sa parehong pagkahilig at interes nina Coco at Yassi sa mga kakaiba at exotic na ahas tulad nito.




error: Content is protected !!