65 taong gulang na lalaking nakatira sa bangketa, magaling mag-pinta kahit mahirap lamang



Marami sa ating mga kababayan ang sadyang mahirap at naka-tira lamang sa lansangan. Dahil sa hirap ng buhay, karaniwan sa kanila ay namamalimos lamang. Nakaka-lungkot isipin pero ito ang katotohanan ng buhay. May mahirap at may mayaman. Gayon pa man, kahit na mahirap ang buhay, may mga ilang tao na nagsusumikap upang mabuhay. Minsan lang tayo mabubuhay sa mundo, kaya mas maganda kung gagawin na natin ang mga bagay na magpapa-saya sa atin.


Katulad na lamang ni Tatang Edgardo Lam na isang 65 taong gulang na naka-tira sa kalsada ng Ermita, Maynila. Ang taong ito ay nag-viral dahil sa kanyang ipinamalas na talento sa pag-pinta. 20 taon na nagpipinta si Tatang Edgardo, ito rin ay sa tulong ng mga estudyanteng nagbibigay sa kanya ng mga kagamitan upang mag-pinta. Pero kung sakaling maubusan siya ng gamit, siya ay nagpupunta sa mga lugar na may construction at nanghihingi ng mga plywood na hindi na nagagamit.




Ang mga nagagawang mga magagandang paintings ay ibinebenta niya. Kaya kung sakaling may bumili, doon pa lamang siya magkaka-pera. Gayon pa man, kahit hindi lahat ay gustong bumili ng kanyang gawa, masaya pa rin siya dahil ayon sa kaniya, masaya siya sa kanyang ginagawa.


Nakilala at hinangaan si Tatang Edgardo ng madiskubre siya ng isang netizen na nag-ngangalang Matthew Gan. Ang inspirasyon niya sa kanyang mga likha ay ang kapaligiran. Mga bagay na nakikita niya at mga bagay na kapag isinara na niya ang kanyang mata.



Ayon kay Matthew Gan:
“He said that his ideas for some of the artworks comes to him when his eyes are closed and sometimes he notices shapes and colors in his surroundings which inspire him to create a new artwork. Kuya Edgardo has personified the idea that art can come from anywhere and that art can be anything,”

Nanawagan din si Matthew na suportahan natin si Tatang Edgardo.


“If anyone wants to help, buy his artworks and give support to Kuya Edgardo, he stays at Padre Faura St. corner M.H Del Pilar. He would appreciate spare paints, brushes and even small donations! He also enjoys talking about his artworks so if you want to drop by and just chat he’d appreciate it as well,”




error: Content is protected !!