Blessing ng bagong bahay ni Joshua Garcia kasama ang pamilya at si Julia Barreto



Isang magandang kinabukasan talaga ang mapupuntahan kapag naging isang sikat na artista ka. Kaya habang nasa kasikatan ka, dapat ay maging matalino sa paggamit ng kinikita. Dahil hindi sa lahat ng pagkaka-taon ay nasa kasikatan ka. Katulad ng iba ay lilipas din ang kasikatan. Kung kaya’t habang kumikita, ilagay ito sa pinaka-mainam na paraan upang hindi ka mawalan kapag wala na ang kasikatan.

 

View this post on Instagram

 

Josh House Blessing ? . . #joshlia #joshuagarcia #juliabarretto . ? tropangjoshuagofc

A post shared by JoshLia_ksa (@joshlia.ksa) on


Kamakailan lamang ay nag-daos ng house blessing ang sikat na aktor na si Joshua Garcia sa Quezon City. Mapapansin sa mga litrato na sa dalawang town houses ay may mga naka-ayos na catering. Ibig sabihin ay pagmamay-ari niya ang dalawang town houses na ito sa Quezon City.



Kasama ang pamilya ni Joshua Garcia sa blessing ng bahay, sinamahan din siya ng kanyang nobya na si Julia Barreto. Tunay na madiskarteng paraan ang pagbili ng property na maituturing na investment. Ang bahay na nabili ay bunga ng kanyang pagtatrabaho at kasipagan noong taong 2018.


Hindi rin naging madali para kay Joshua Garcia marating ang kanyang katanyagan ngayon. Ang dating PBB Housemate ay isa ng sikat na aktor na hinahangaan ng maraming tao at marami na ring mga endorsement at mga commercials. Upang maging mas maliwanag ang pagkakaroon ng bahay ni Joshua Garcia, ito ang sinabi niya kung bakit siya pinag-pala at talagang maswerte dahil na rin sa kanyang pagsisikap.


“Actually ‘yung bahay na binili ko, ’yung town house na nabili ko, parte lahat ‘yun ng pinaghirapan ko. Isa na dun ‘yung sa Jollibee Yum Burger. ‘Yung Jolly Hotdog kasi na endorsement dumating siya nung nabili ko na. So para sa akin, mas gumaan ang pakiramdam ko kasi kakalabas ko lang ng pera, bumalik agad ‘yung blessing sa akin. Nabawi ko agad ‘yung nilabas ko. Kaya thankful ako kay Lord kasi hindi niya ako pinapabayaan dito sa industriya na ‘to”






error: Content is protected !!