Isang Lolo na Youtuber ang sumikat dahil sa pagpapasalamat niya sa kanyang mga Subscribers



Wala ka sa Lolo ko! Ayan ang isang katagang sinasabi kapag dumarating na ang usapang payabangan. Nakaka-tuwang kantsyawan at kalimitan ay pawang gawa-gawa lamang ang mga sinasabi patungkol sa mga Lolo nila.



Pero kung Lolo mo si Nilson Izaias Papinho, siguradong ipagmamalaki mo ito at sasabihin mong “Wala ka sa Lolo ko!”. Si Nilson Izaias Papinho ay isang Brazillian Youtuber. Kahit na matanda ay minabuti niyang ibahagi ang kanyang mga gawain sa pamamagitan ng pag-upload sa youtube.


Mapapansin sa kanyang mga videos na isa siyang malambing at nakaka-aliw na tao. Kaya ang tawag sa kanya ng mga nakaka-kilala sa kanya sa Youtube ay “avô” o “grandpa”. Ilan sa mga simpleng mga videos na inuupload niya ay patungkol sa mga bulaklak at mga prutas sa kanyang taniman at pagpapakita ng kanyang Bibliya at keyboard.


Marami pang mga ibinahagi si Lolo Nilson na mga videos katulad na lamang ng pag-bake ng cake, kanyang pag-hahardin, at pag-gawa ng mga laruang slime na talagang nakaka-aliw tignan. Minsan din ay nagpapakita siya ng mga vlogs kapag siya ay kumakain ng almusal.



Sa ngayon ay mayroong 51 na videos si Lolo Nilson at ang 7 videos dito ay patungkol sa. Paggawa niya ng slime para sa mga bata. Pero naging sikat siya dahil sa isang bagay na ginawa niya. Ito ang pagpapasalamat niya sa lahat ng naging subscribers niya. Isinulat njya lahat sa isang notebook ang kanyang mga subscribers at isa-isa niya itong binasa at pinasalamatan.

Upang mapasalamatan lahat ay tatlong videos ang nagawa para lamang pasalamatan lahat ng followers niya. Kaya naman netong Enero ngayong taon, biglang dami ng kanyang mga subscribers. Galing sa dami na 2,000 sa loob ng isang linggo ay umabot na sa 19,000 na subscribers. Umabot na ng 4 Million Subscribers ang Youtube Channel ni Lolo Nilson. Sa tingin mo ba mapapasalamatan pa niya kaya lahat ito at masusulat pa kaya sa notebook?