Lupit ng Daga na’to! Pinasok niya ang isang ATM at nginatngat niya ang mga pera na nasa loob nito!



Maraming tao ang naiinis at naiirita sa mga perwisyong hatid ng mga daga. Ang mga daga na matatagpuan sa bahay ay walang ginawa hung hindi manira ng mga gamit sa bahay. Minsan ay pag-minalas pa ay sisirain din ang mga mahahalagang bagay na iyong maingat na itinatago. Gayon pa man mga nilalang sila na may buhay. Kaya dapat lamang na gawan na lang ng paraan upang maiwasan ang pagtira nila sa inyong bahay.



Pero isang nakaka-gulat na pangyayari ang nabalitaan kung saan ay isang daga ang naka-pasok sa loob ng isang ATM at kinain ang mga papel na pera sa loob nito. Ito ay nangyari sa Assam state sa northeastern India. Nagkaka-halagang $42,685 Rupees ang laman ng Automated Teller Machine o ATM at $17,662 Rupees naman ang kinain at sinira ng dagang naka-pasok.



Hindi naging tanaw ng CCTV ang pagpasok ng daga dahil sa liit nito kaya naman ng mabusog ang daga sa pagkain ng pera, ito rin ang naging dahilan ng pagkamatay niya. Ayon sa Reuter, ang ATM Machine ay nasa gawaan ng isang linggo. Kaya naman pagbalik ng mga teknisyan, nagulat na lamang sila na parang nadaan sa shreder ang mga pera. Dito na rin nila nakita ang patay na daga.



Ayon kay Chandan Sharma,isang branch manager ng State Bank of India:
“The ATM was out of order for a few days and when our technicians opened the kiosk we were shocked to find shredded notes and a rat…We have started an investigation into this rare incident alend will take measures to prevent a recurrence.”


Pero sa tingin niyo ba ay may taong naglagay ng daga sa ATM? Dahil walang nakita ang mga imbestigador na footage sa CCTV, kinumpirma nila na hindi ito kagagawan ng tao. Isang problema itong maituturing sa nasabing bangko. Ito ay dahil makukulangan sila ng pera, sa sinira at ginawang swimming pool na pera ng daga.





error: Content is protected !!