Nagkwento si Chito Miranda kung paano naging matagumpay na negosyante ang kaniyang asawa!



Ang buhay mag-asawa ay tunay ngang hindi madali. Maraming mga bagay ang kailangan mong matutunan at isakripisyo para sa iyong pamilya. Ang pagkakaroon ng isang mabait na asawa na sususporta sa iyo at magiging kalakasan mo ay talaga namang isang pagpapala sa Panginoong Diyos. Kamakailan lamang ay naging usap-usapan sa social media ang kwento ni Chito Miranda sa kaniyang butihing maybahay. Kung dati ay nakilala ang kaniyang misis na si Neri Naig sa industriya ng show business, ngayon pala ay isa na siyang matagumpay na negosyante.


Dagdag pa ng bokalista ng Parokya ni Edgar, noong artista pa si Neri ay hindi pa siya nakakaipon ng pera mula sa kaniyang kinikita dito dahil sa paghuhulog niya sa kaniyang condo unit. Ngunit ng sila ay naging mag-asawa na si Neri pala ay isang wais na misis! Hindi ito nanghihingi ng pera sa kaniya. Dahil imbes na bumili ng mga branded at mamahaling mga damit ay sa ukay-ukay na lamang siya namimili. Maging ang kaniyang pinang-puhunan sa kaniyang negosyong “gourmet tuyo” ay mula sa pinagbentahan ng kaniyang mga pinaglumaang damit. 60 bote lamang ang naging pasimulang produkto ni Neri na isinasabay lamang niya sa pagbebenta ng mga t-shirt ng Parokya Ni Edgar noon sa isang bazaar.




At ngayon ay aakalain mo bang mayroon nang sariling restawran si ang kaniyang misis? Si Neri ay ang nagmamay-ari ng “Neri’s Not So Secret Garden” na matatagpuan sa Alfonso, Cavite. Talaga namang manghang-mangha ang mister sa nakakamit na tagumpay ng misis niya ngayon. Bagamat na sa soft opening stage pa lamang ito ay talaga namang dinarayo na ito at kayang-kayang pamahalaan ni Neri at ng kaniyang mga staff.


Bagamat noong una ay hindi pabor si Chito sa pagbubukas ni Neri ng restawran dahil sa wala pa naman silang karanasan dito at ni hindi rin ito kumonsulta sa kahit sinong eksperto ay talaga namang napagtagumpayan ito ni Neri sa tulong na rin ng kaniyang mahal na asawa.





error: Content is protected !!