Limang araw umiyak ang batang ito nang malaman na ang mahal niyang alagang manok pala ang naging hapunan nilang buong pamilya!



Tayong mga Pilipino ay kilala sa pagkakaroon ng malambot at mapagmahal na puso lalo na sa mga hayup. Kung kaya naman hindi na kataka-takang mayroon tayong mga paboritong alagang hayup tulad na lamang ng pusa, aso, isda, ibon, o iba pang mga exotic animal.


Kamakailan nga lamang ay nagbahagi ng sarili niyang karanasan ang isang lalaki noong kaniyang kabataan kung saan ay aksidente niya pa lang nakain ang kaniyang alagang manok. At talaga namang naantig ang puso ng maraming mga netizen at ang ilan pa nga ay nagbahagi rin ng sarili nilang karanasan katulad ng sa Tsinong ito.




Siya ay nakilala bilang si William Lin. Ayon sa kaniyang ibinahaging kwento sa social media. Anim na taong gulang pa lamang siya noon at nagkaroon din siya ng alagang sisiw na kalaunan ay pinangalan niya bilang maselang parte ng lalaki. Paglilinaw pa niya ay bata pa siya noon kung kaya hindi niya alam ang tunay na kahulugan ng salitang iyon na ipinangalan niya sa kaniyang alaga. Palagi silang naglalaro ng kaniyang alaga at araw-araw din nga silang lumalabas upang maglakadlakad.


Isang araw nang siya ay galing sa kanilang eskwelahan, napansin niyang wala na ang kaniyang alaga at nang tanungin niya ang kaniyang magulang ay sinabi ng mga ito na natutulog lamang siya. Dahil nga siya ay bata pa noon at walang kamuang-muang, naniwala naman siya sa kaniyan mga magulang. Hinayaan na lamang niyang mamahinga ang alaga at kumain na ng paborito niyang “chicken soup” kasama ang kaniyang pamilya. Matapos ang hapunan ay muli siyang nagtanong tungkol sa kaniyang alaga at ang sagot ng kaniyang mga magulang ay masama ang pakiramdam nito. Kung kaya naman hindi na niya ito inabala pa. Mayamaya naman ay hinatak siya ng kaniyang lolo at lola sa isang sulok at pinagtapat na nga nila ang totoo. Limang araw niyang iniyakan ang pagkawala ng kaniyang alagang manok, higit pa rito ay hindi lamang siya basta nawala dahil ito pala ang naging hapunan nila noon sa paborito niyang “chicken soup”! Simula noon ay nagkaroon na siya ng “trust issues” sa mga tao. Nakakalungkot man ang sinapit ng alagang manok ni William, tunay ngang hindi siya nag-iisa dahil marami din ang nakaranas ng kaniyang istorya.





error: Content is protected !!