Pangalawang pagbubuntis ni Andi Eigenmann, sino kaya ang ama ng dinadala niya?



Isa sa mga pagsubok ng pagiging sikat na artista ay ang pag-alam sa bawat detalye ng buhay mo. Kumbaga ay para wala ka ng karapatang magkaroon ng pribadong buhay. May mga negatibo talagang naidudulot ito dahil bawat kilos ay paguusapan at minsan ay hindi magaganda ang idinadagdag sa kwento.


Kaya ang ilan sa mga artistang gustong manahimik at mamuhay ng payak ay umaalis na lamang sa showbiz. At ang iba naman ay talagang todo pagtatago at iwas sa pagpapakita ng mga larawan sa social media upang hindi malaman ng publiko ang mga kaganapan sa buhay nila.




Katulad na lamang ni Andi Eigenmann na nabalitaang lumayo papuntang Siargao kasama ang anak na si Ellie. May mga balita na nagsasabing kasama din ni Andi ang kanyang boyfriend sa Siargao na binigyan linaw na sa isang panayam sa programang Tonight with Boy Abunda.


Ninais ni Andi Eigenmann na manirahan sa Siargao dahil na rin sa kagandahan ng lugar. Pinili na niyang malayo sa Showbiz upang mamuhay ng malaya. Kasama ang anak na si Ellie, ibinunyag na rin ni Andi Eigenmann na siya ay may boyfriend na ang pangalan ay Philmar Alipayo. Siya ay isang magaling na surfer. Sa katunayan nga ay siya ang naging kampyon sa isang kompetisyon si Philmar.



Marami ang nabigla sa pangyayari sa buhay ni Andi Eigenmann pero ito ang pinili niya dahil ito ang nagpapasaya sa kanya. Malapit si Ellie kay Philmar kaya naman ito ay labis na ikinatutuwa ni Andi Eigenmann. Ayon sa isang Instagram post ni Andi Eigenmann, siya ay nagdadalang-tao at ang ama nito ay si Philmar Alipayo. Masayang ibinahagi ni Andi ang kanyang pagbubuntis ng kanyang pangalawang anak.

Ayon kay Andi:
“We are now on our way to moving to our new island home where my growing family will make more joyful memories together… and I cannot wait,”





error: Content is protected !!