Sila ang mga kilalang artista na umaming nambabae ang mga asawa!



Ang pagsisimula ng pamilya ay isang pagsubok na maituturing. Kaya madalas ay sinusukat din ng panahon kung gaano katatag ang pagmamahalan bilang mag-asawa.

Kilalanin natin ang mga ilang aktres na dumaan sa hiwalayan at nangaliwa ang mga asawa.



1. Lani Mercado


Si Lani Mercado ay isang beteranang aktres na ang asawa ay si Bong Revilla Jr. Sa isang panayam sa programang Tonight with Boy Abunda, sinabi ni Lani Mercado ang mga pambababae ni Bong Revilla at mga naging anak nito. Isang pangyayari kung saan ay pumanaw ang anak noong 1991 na naging dahilan upang maayos muli ang relasyon nilang dalawa.

2. Donita Rose




Isa din si Donita Rose sa mga aktres na minalas sa kanilang buhay may asawa. Ang 12 na taon na pagsasama bilang mag-asawa nila ni Eric Villarama ay natapos ng taong 2016. Valentines day iyon noong nagtataka si Donita kung bakit hindi man lang bumati ang asawa sa kanya. Kaya paglampas ng isang araw ay inamin na ni Eric na mayroon ng iba.


3. Sunshine Cruz


Iniwan ni Sunshine Cruz ang showbiz dahil sa kagustuhang matutukan ang pagiging ina at asawa sa kanyang pamilya. Tumagal din nang 13 na taon ang pagsasama nila. Ngunit hindi nagiging maganda ang pagsasama nila dahil sa pambababae ni Buboy. Taong 2013 ng sila ay tuluyang naghiwalay.

4. Nikki Valdez


Taong 2007 nang nagpakasal si Nikki Valdez at ang Fil-Canadian na si Christopher Lina. Tumagal din ng pitong taon ang naging pagsasama nila nang sila ay maghiwalay dahil sa pangangaliwa ng asawa. Si Olive Isabel ang anak nilang dalawa na naging dahilan para kay Nikki na ipaglaban pa sana ang kanilang relasyon. Pero hindi na talaga umubra.

5. Sunshine Dizon


Kilala natin si Sunshine Dizon bilang isang matapang na karakter sa mga teleserye. Sa pangyayaring naganap sa kanila ni Timothy Tan na kanyang asawa, dito ay ipinakita niyang siya ay isang palaban na asawa. Sa pagkadiskubre ng pangangaliwa at paglabag sa batas ng Anti-vi0lence Against Women and Their Children Act of 2004. Sa isang preliminary investigation sa paghaharap nila ni Timothy Tan, ipinakita niya ang kanyang matapang na anyo bilang isang babae. Gayon pa man, sa pangyayari ay mapapansing parang dalaga parin ang itsura at pangangatawan ni Sunshine Dizon




error: Content is protected !!