Nagsumikap ang lalaking ito na mapagtapos ng pag-aaral ang kaniyang nobya!



Isang netizen ang buong pagmamalaking nagbahagi ng kwento nila ng kaniyang nobya na sa ngayon ay magtatapos na ng kolehiyo. Ang dahilan ng tagumpay ng kaniyang kasintahan ay ang kaniyang pagpupunyagi at pagpupursiging mapagtapos ito ng pag-aaral.



Siya ay nakilala bilang si Ador Adrian Gabrieles na nagtrabaho bilang isang bagger sa isang supermarket at kalaunan ay sumabak na rin bilang isang call center agent. Dagdag pa ni Ador, nagsumikap siyang mapag-aral ang kaniyang kasintahan dahil sa nais niyang mapatunayan sa mga magulang ng nobyang si Aira Arcamo na karapat-dapat siya sa kanilang anak at kaya din niyang maging ama sa kanilang mga magiging anak.


Kaya naman siyang pag-aralin ng kaniyang mga magulang. Ngunit mas pinili ni Aira ang malasakit ng kaniyang kasintahan na suportahan ang kaniyang pag-aaral. Isang inhinyero ang kaniyang ama at guro naman ang kaniyang ina.


Hindi maitago ang kagalakan sa ibinahaging post ni Ador. Ayon pa sa kaniya, “Hindi pumalya ang pagbabayad ko sa matrikula ng girlfriend ko, at kapalit naman noon ay ang pag-aalaga at tunay na pagmamahal na nararamdaman ko kasama ko man siya o hindi.”



Tunay ngang nakakamangha ang ganitong uri ng pagmamahalan. Kahit pa maraming mga taong humuhusga sa ginawang ito ni Ador at nagsasabing iiwan din siya ni Aira kapag ito ay nakatapos na ng pag-aaral at nakahanap ng magandang trabaho. Ngunit ang sabi naman ni Ador ay mahal niya ang nobya kung kaya naman hindi siya nagsisising gawin ito para sa kaniya dahil sa ito rin naman ay nararapat sa kaniya. Kailanman ay hindi masusukat ang tunay na pag-ibig at pagmamahalan ng dalawang tao sa anumang materyal na bagay na kaya o hindi nila kayang ibigay para sa isa’t-isa. Ikaw, ano ba ang kakaibang kwentong pag-ibig mo?