Isang estudyanteng nagtitinda ng sampaguita, Isang estudyanteng nagsisikap para sa pangarap

Madalas ka bang madaan sa mga footbridge? Ano ang madalas mong makita sa mga lugar na ito? Kadalasan ay nakaka-kita tayo ng mga batang namamalimos sa lansangan. Minsan pa nga ay nakaka-inis at nakaka-irita ang mga ito dahil todo kalabit ang ginagawa at pangungulit para mabigyan ng limos.

Ang ibang mga batang ay makukulit at aasarin ka pa kung sakaling hindi mo mabigyan ng pera. Pero hindi maitatanggi na sila ay hirap sa buhay at nagagawa lamang nila din ito upang makalikom ng pangkain araw-araw.

Ito ang realidad ng buhay. Hindi lahat ay pinalad. May iba talagang kailangan gumapang upang mabuhay. Gayon pa man, mas natutuwa tayong tulungan ang mga taong nagsusumikap sa kabila ng kahirapan. Di ba mas gusto niyo pang magbigay sa mga bulag na nagtatanghal kaysa sa mga nanghihingi lang?

Pero mas maaantig kayo sa kwentong ito ng isang estudyanteng nagtitinda ng sampaguita. Si Marlon Mendoza ay isang estudyante ng San Antonio Elementary School. Siya ay 11 na taong gulang na palaging nagpupunta sa mga Footbridge ng SM North Edsa upang magtinda ng Sampaguita.

Ayon sa video, siya ay kinakausap ng isang lalaki at tinatanong kung bakit siya nagtitinda ng sampaguita. Mapapansin din sa mga litrato na siya ay nakasuot pa ng uniporme at nagaaral habang nagtitinda ng sampaguita. Ibinahagi ni Marlon ang kanyang kwento sa pamamagitan ng interview sa kanya ng isang lalaki. Ayon pa kay Marlon paborito niyang subject ay Math dahil pangarap niyang maging isang Accountant. Sinabi rin ni Marlon na gusto niyang makatapos ng pagaaral upang balang araw ay matulungan niya ang kanyang Mama. Dati daw kasi, ang Tatay niya ang nagtatrabaho ngayon daw ay si Mama na lang niya, kaya naman tumutulong silang magkapatid upang di masyadong mahirapan ang kanilang ina. Isa din sa mga pangarap ni Marlon ang magkaroon ng sariling bahay.


Imbis na nasa bahay ka at maayos na nagaaral, mas pinili mong makatulong kumita upang ang magulang ay hindi mahirapan. Mabuhay ka Marlon! Sana ay matupad lahat ng pangarap mo sa buhay!



Reply

error: Content is protected !!