Toni Gonzaga nagbahagi patungkol sa unang lalaking nagwasak sa kaniyang puso!

Marami sa atin ang nangangarap ng isang kumpletong pamilya. Isang kumpleto na pamilyang mayroong ina ng tahanan na kakalinga at mag-aalaga sa kaniyang mga anak at asawa, at isang ama na magdidisiplina at susustento sa pangangailangan ng kaniyang pamilya. Ngunit kadalasan ay nawawala na ng pagkakataon ang ilan sa mga kabataang Pilipino na makapamuhay kasama ang kanilang buong pamilya.

Kung kaya naman laking pasasalamat na lamang ni Toni Gonzaga na mayroong tumayong ama para sa kanilang magkapatid. Si Toni Gonzaga ay kilala din bilang si Celestine Cruz Gonzaga-Soriano na isang mang-aawit, modelo, endorser, producer, host at aktres. Ang 35 taong gulang na aktres ay ikinasal kay Paul Soriano noong 2015 at nabiyayaan sila ng isang malusog na anak na lalaki na pinangalanan nilang Severiano “Baby Seve” Elliott. Siya rin ang ate ni Alex Gonzaga na isa ring artista.

Tulad din ng maraming mga anak na babae ay nakaranas din sila ng pagdidisiplina ng kanilang ama na bise alkalde ng Taytay, Rizal. Laking pasasalamat na lamang ni Toni na ang kaniyang ama ay talaga namang nagmalasakit sa kanila at hindi sila hinayaang magkamali sa kanilang mga desisyon noong sila ay mga bata pa lamang.

Naibahagi ni Toni sa kaniyang personal vlog ang mga inakala niyang paghihigpit ng kaniyang ama noon at akala niyang unang nagpaiyak at dumurog sa kaniyang puso ay ang mga bagay na tunay niya pa lang ipagpapasalamat dito pag siya ay nagkaroon na ng sariling pamilya. Pinamagatan ni Toni ang kaniyang vlog na “The first man who broke my heart.”

Ayon pa sa nasabing vlog kaya pala hindi pinapayagan sina Toni ng kaniyang ama at ina na magkaroon ng nobyo ay dahil sa ayaw ni Tatay Bonoy na magsisi ang kaniyang mga anak. Naniniwala din ang mga magulang ng aktres na sadyang “impulsive” ang mga kabataan at wala pang kakayanan na makapagdesisyon ng maayos para sa kanilang mga sarili. Talaga namang kamang-mangha ang pamilyang ito ng mga Gonzaga!



Reply