Usap-usapan ngayon ang kakaibang lapis na ito na maaari pang itanim matapos maupod o maubos na!



Marami sa atin ang hindi naiiwasang manlumo sa mga kinahihinatnan ng ating mga likas na yaman sa ngayon. Ang dati nating malilinis na yamang-tubig ay nagiging palikuran na lamang ng ilan nating mga kababayan o di kaya naman ay basurahan at tapunan ng mga kalat at basura.



Maging ang ating mga yamang-lupa ay tila nasisira na din lalo na ang mga bundok na unti-unti nang nakakalbo sa walang habas na pamumutol ng kahoy. Gayundin ang nangyayari sa ating kapaligiran, ang dating sariwang hangin ay napuno na ng usok mula sa mga sasakyan, usok na mula sa mga siga, mga sigarilyo at pabrika.


Buti na lamang at kahit papaano ay mayroon pa ring mga organisasyon at mga taong nagpupursige at nagsisikap na matulungan ang ating Inang Kalikasan. Isa na dito ang environmentalist na si Denise Bentulan. Siya ang nanguna sa pagpapalaganap ng “Sibol” sa ating bansa. Ito ang mga produktong kanilang ginagawa na eco-friendly kung tawagin ng marami. Patok na patok ngayon ang lapis nila na kapag naupod na hanggang dulo ay maaari mo pang itanim at maging halaman.


Aakalain mong simpleng lapis lamang ito ngunit mayroon itong mga buto ng halaman sa dulo. Maraming iba’t-ibang klase ng buto na maaaring itanim at pagkalaon ay maaari ding kainin kapag lumaki na ng husto. Sa halagang 30 piso ay talaga namang masisiyahan ka sa tulong na maaari mong magawa para sa ating kalikasan.



Ayon pa kay Bentulan nais niyang maranasan din ng ibang tao ang pakiramdam ng pagtatanim at pag-aalaga ng mga sariling pananim. Ang nasabing mga lapis ay hango sa mga naunang produkto ng ibang bansa. Naisipan lamang ni Bentulan na gawan ito ng lokal na bersyon dahil sa mahal ang produksyon nito sa ibang bansa.




error: Content is protected !!