Ibinahagi ni Jose Manalo kung gaano siya ka-proud sa lahat ng tagumpay ng kaniyang mga anak sa kani-kanilang larangan na napili sa buhay!



Si Jose Manalo ay isa sa pinakamahuhusay na komedyante ng kaniyang henerasyon. Palagi niyang napapasaya ang maraming mga tao. Sa kaniyang mga joke, reaksyon, paggalaw at sa kaniyang mga talento, talaga namang nalalagyan niya ng ngiti ang mga labi ng maraming mga tao. Isa lamang siya sa maraming mahuhusay na aktor at komedyanteng mapapanuod mo sa noontime show ng GMA na Eat Bulaga.




Ngunit aakalain mo bang mayroong limang anak si Jose Manalo? Oo, lima ang anak ng komedyanteng ito! Siya ay isang mapagmahal na ama na talaga namang hindi matatawaran ang kasipagan para sa kaniyang pamilya. Ngunit sa kasamaang palad ay hiwalay na siya sa kaniyang misis na si Annaly Manalo noon pang 2012. At nasa pangangalaga ng kaniyang dating asawa ang kaniyang limang anak.


Sa kabila nito ay patuloy pa rin siyang gumagawa nang paraan upang makausap ang kaniyang mga anak at masuportahan ang mga pangangailangan nito. Inamin din niyang hindi siya madalas magsalita patungkol sa kaniyang pamilya sa mga interview.



Kahit pa nagkaroon ng ganitong problema ang komedyante ay tunay ngang hindi pa rin niya maiwasang magpasalamat sa lahat ng mga nakakamit na tagumpay ng kaniyang mga anak. Lalo na ang kaniyang anak na si Myki na isa nang ganap na doktor matapos niyang makapasa sa licensure examination. Si Myki ay nagtapos ng BS Psychology sa De La Salle University-Manila noong 2012 at pinagpatuloy niya ang kaniyang Doctor of Medicine saFar Eastern University-Nicanor Reyes Medical Center Foundation (FEUNRMF) Institute of Medicine.



Habang ang dalawa naman niyang anak na lalaki ay tila sumusunod din sa kaniyang yapak bilang isang mahusay na artista. Sina Benj at Nico ay maaaring nakikita o napapanuod niyo na sa ilang mga Indie film, sa ibang mga pelikula o kaya naman ay sa ilang mga programa sa telebisyon.


Isang napakagandang inspirasyon talaga ang buhay ni Jose Manalo na kahit pa tila sumuong sa matinding pagsubok ay hindi nagpadaig at hindi sumuko kung kaya naman heto na siya ngayon, isa sa pinakamahuhusay at pinakamatagumpay na artista, aktor, komedyante, host at higit sa lahat ay isang responsable at dakilang ama para sa kaniyang mga anak.






error: Content is protected !!