Isang Hapon ang nakalikha ng isang tshirt kung saan tiyak na mahihikayat ang inyong mga anak na kayo ay bigyan ng masarap na masahe!

Isang ama na Hapon ang labis na hinangaan at pinapurihan sa social media dahil sa kakaiba at napakamalikhain nitong disenyo sa damit. Ang nasabing disenyo ay talaga namang hihikayat sa maraming mga bata na mamasahe ang kanilang mga magulang.

Ang Hapon na ito ay nakilala bilang si Ken Kawamoto. Siya ay isa ring software engineer ng Google. Siya ay nakagawa ng napakabisang paraan para mapaligaya ang kaniyang anak habang ito ay naglalaro. Kasabay ng paglalaro ng bata ay ang pagmamasahe nito sa kaniyang pagod na ina o ama.

Nagbahagi rin siya ng isang video kung saan ang kaniyang anak ay masayang nilalaro ang laruang tren nito sa kaniyang likuran kung saan ang kaniyang damit at mayroon disenyong riles ng tren. Mayroon din itong mga tanda halimbawa na lamang ay ang kanan at kaliwa nitong balikat, ang kaniyang “gulugod” at likuran. Mayroon din itong disenyo na isang maliit na bahagi ng tubig o “pond”. Samantalang ang harap naman ng damit ay puro puti lamang at walang anumang disenyo. Mayroon itong anim na kulay, maraming mga

Talaga namang nakakatuwang malaman na mayroon nang ganitong uri ng mga damit sa ngayon na kahit papaano ay magiging instrumento sa pagiging malapit ng mga abalang ama at ina ng tahanan sa kanilang mga anak nang hindi gumagamit ng anumang social media o kaya naman ay gadget. Malaking bagay na ang magagawa ng simpleng paglalaro o kaya naman ay “bonding” ng mga magulang sa kanilang mga anak. Dahil bagamat ginagawa ng mga magulang ang lahat ng kanilang makakaya para sa kanilang pamilya at mga anak, mas masarap pa ding madama ng ating mga supling ang oras at panahon na inilalaan natin para sa kanila. Sana ay magkaroon na din nito sa Pilipinas!



error: Content is protected !!