Silipin natin ang napakaganda at nakaka-relax na tahanan ni Cristine Reyes sa Parañaque City!



Si Cristine Reyes na kilala rin bilang Ara Marie Cristine Reyes ay ipinanganak noong ika-5 ng Pebrero 1989 sa Marikina, City. Siya ay isang aktres na una nang nakita at nakilala nang siya ay sumali sa reality show ng GMA network na StarStruck. Siya ay kasal kay Ali Khatibi at biniyaan sila ng isang anak na babae na pinangalanan nilang Amarah.




Ngunit bago pa man siya magkaroon ng sarili niyang pamilya ay masaya na siyang naninirahan sa nabili niyang dalawang-palapag na bahay sa Maynila. Hindi ito ang kaniyang unang tahanan dahil minsan na din siyang tumira sa tahanan ng kaniyang pamilya sa Marikina na nasira ng bagyomg Ondoy noong 2009, mayroon din siyang magarbong townhouse sa Quezon, City.


Naging hands-on din ang aktres sa pagpapatayo ng kaniyang tahanan, gusto niyang ang lahat ng kaniyang mga gamit sa tahanan at talaga namang “one of a kind”!

 



Ang “living room” ng kaniyang tahanan ay talaga namang pinaganda ng maaliwalas na kulay ng kaniyang malaking sofa. Matingkad na kulay naman ang ninais niyang ilagay sa kaniyang “dining area” na talaga namang aakit at hihikayat sa mga bisitang mamahinga at kumain. Simple naman at mayroong “utilitarian design” ang kaniyang kusina”. Sa kaniyang “entertainment room” ay talaga namang maliligayahan kang manuod ng mga pelikula na hilig din ni Cristine, pinalagyan niya rin ito ng “padded walls”.


Hindi din naman magpapahuli ang kaniyang silid-tulugan na mayroong “soft theme” na talaga namang hihikayat sa iyong mamahinga at matulog na. Mayroon din siyang upuan sa balkonahe upang makapagmuni-muni siya na isa rin sa hilig niyang gawin pagkagising sa umaga.




Ang kaniyang banyo naman ay mayroong pula at cream na kulay. Pula para mas maging puno ang kaniyag enerhiya sa pagsisimula ng kaniyang araw. “Pink and white theme” naman ang kaniyang walk-in closet na tiyak na kaiinggitan at papangarapin ng maraming mga kababaihan.




error: Content is protected !!