Kinagiliwan ng marami ang “Calamansi Girl” na ito mula sa Davao del Norte!

Marami sa atin ang nagpupursige sa ating pag-aaral upang kapag nakatapos na tayo ng kolehiyo ay madali na sa atin ang makapaghanap ng magandang trabaho. Mapapalad ang mga kabataang hindi na kinakailangang maghanap-buhay pa para may pantustos sa kanilang pag-aaral o kaya naman ay pangdagdag panggastos o pangkain ng pamilya.

Kung kaya naman hindi na nakakapagtaka na ang batang babae na ito sa Davao del Norte. Siya ay nakilala bilang si Marian Rebucas. Siyam na taong gulang na siya mula sa Panabo City. Naging viral ang kaniyang video kung saan siya ay maliksi at bibong-bibo na nag-aalok ng kaniyang mga panindang kalamansi na talaga namang ikinasaya ng maraming mga mamimili at mga taong dumaraan.

Ang nagbahagi ng kaniyang video ay ang netizen na si Jaypee Donasco na isang guro sa North Davao Colleges. Dumaraan lamang siya sa lugar ng masaksihan ang nakakatuwang sales talk ng bata, ayon pa sa dito ginagawa ng bata ang pagtitinda upang makatulong sa gastusin ng kaniyang pamilya.

Naitampok din naman ang batang babae na ito sa Rated K ng ABS-CBN na kilalang magazine show ni Korina Sanchez. Noong Marso 10, 2019 Linggo ng gabi ito ipinalabas sa nasabing programa.

Hindi rin naman magkamayaw ang maraming mga netizen sa paghanga at pagpuri sa kasipagan ng bata. Kung ang ilan sa mga batang ka-edad niya ay makikitang naglalaro o kaya naman ay may hawak na cellphone o mga gadget, ang batang ito ay masayang tumutulong sa kaniyang ina na nagtitinda rin ng mga gulay sa di kalayuan.

Siya nawa ay maging inspirasyon sa marami pang mga kabataang Pilipino. Tunay ngang bawat salapi na kinikita ng ating mga magulang ay ating pahalagahan dahil hindi nila ito basta-basta kinita lamang. Ito ay kanilang pingsusumikapan ng husto at pinaghihirapan.



Reply

error: Content is protected !!