Para makabili ng smartphone, nag-ipon ng limang piso kada araw ang batang ito mula sa kaniyang baon!

Bagamat marami na sa atin ngayon ang mayroong sariling cellphone o gadget, mayroon pa din namang iilan na walang masyadong kakayanan at kinakailangan pang mag-ipon upang makabili ng pinapangarap nilang cellphone.

Ito nga ang kwento ni Junell Pasco, na naging usap-usapan sa social media dahil sa kaniyang larawan na mayroong hawak na cellphone at ang kaniyang ipon ang ginamit niyang pambili dito.

Ayon pa sa nasabing post, nagtungo diumano ang binata sa isang tindahan ng gadget at nagtanong kung anong cellphone ang kaniyang mabibili sa halagang 6 libong piso na magagamit din niya upang makapaglaro sa nasabing gadget.

Ayon din sa binata, inipon niya ang nasabing pambili ng cellphone sa kaniyang baon. Tatlo hanggang apat na buwan niya ito inimpok mula sa kaniyang pera. Kahit pa lima-limang piso lamang araw-araw ay talaga namang nakapag-ipon siya ng pangbili niya ng cellphone.

Sino nga naman ang makapagsasabing sa simpleng paraan ng binatang ito ay makakapagpundar siya ng sarili niyang gamit. Kung marami sa mga kabataang ngayon ay umaasa na lamang sa bigay ng kanilang mga magulang, talaga namang iba ang binatang ito. Dahil imbes na maging karagdagang gastos pa ng kaniyang mga magulang ang pambili niya ng cellphone ay naisipan niyang mag-ipon at talaga namang hindi siya nabigo na matupad ang kaniyang “short term goal”.

Marami din namang netizen ang humanga sa ginawang ito ng binata. Talaga namang kamangha-mangha ang kaniyang tiyaga at pagpupursige sa mga ganitong bagay. Napatunayan lamang niya na kung gusto mo talaga ang isang bagay, makakaya mo itong abutin kung ikaw ay magpupursige at magtitiyagang makamtan ito kahit pa ibig sabihin nito ay kakailanganin mong magtiis at maghintay ng ilang buwan.



Reply

error: Content is protected !!