Ang nakakaiyak na pagpapaalam ng isang Pinay Domestic Helper sa kaniyang Chinese na amo at anak nito!



Naging usap-usapan sa social media ang nakakaiyak na tagpong ito ng isang batang Tsino at ang Pinay domestic helper na ito. Aminin man natin o hindi, ang mga yaya ay mayroong malaki at mahalagang parte sa buhay ng maraming mga bata.



Kung kaya naman marama sa mga magulang ang nagdarasal na magkaroon ng mga mapagkakatiwalaang katuwang para sa pag-aalaga ng kanilang mga anak. Biro pa nga ng ilan, mas mahirap pa makahanap ng maaasahan at mapagkakatiwalaang yaya kaysa makahanap ng tunay na pag-ibig.


Naging emosyonal ang maraming mga netizen nang matunghayan ang video ng isang Pinay domestic helper kasama ang amo nito na isang Chinese at ang anak nitong babae na walang tigil sa pag-iyak. Makikita sa nasabing video ang labis na lungkot at pag-iyak ng kaniyang amo at alagang bata na tila ayaw siyang hayaang umalis. Bakas din naman ang kalungkutan sa mata ng Pinay habang niyayakap at kinakausap ang kaniyang umiiyak na alaga. Maraming mga netizen ang nagkomento patungkol sa matinding relasyon ng isang Pinay DH sa kaniyang mga amo lalo na sa kaniyang mga alagang bata. Bagamat ilan sa mga anak na naiiwan dito sa Pilipinas ay nangungulila sa kanilang mga magulang na nasa ibang bansa, hindi pa rin nila maikakailang ginagawa ng kanilang mga magulang ang lahat para sa kanilang kapakanan.


Kilala rin naman tayong mga Pilipino sa pagiging maalaga at mapagmahal bukod pa rito ang pagiging masipag, tapat at maaasahan. Hindi na kataka-takang kahit anong nasyonalidad ay talaga namang mapapamahal sa maraming mga Pilipinong manggagawa.



内有洋葱,kakak要回kampung了,她照顾几年的小女孩舍不得她走,现场一片哭声,小编也哭惨了啦???

Posted by 古晋大小事 Kuching Talk on Monday, February 4, 2019

Talaga namang iba mag-alaga ang mga Pinoy, kahit pa sariling pamilya o kaya naman ay mga banyaga hindi maipagkakailang iba magmahal at mag-alaga ang mga Pilipino.




error: Content is protected !!