Childhood sweethearts, pinagtagpo at nagkatuluyan pa rin makalipas ang 18 taon!

Naniniwala ba kayo sa mga katagang “First Love Never ****!”? Marahil mayroong iilan na hindi naniniwala sa mga kasabihang ito ngunit hindi rin naman pwedeng mawala ang mga taong talaga namang hanggang ngayon ay nagtitiwala pa rin sa mga salitang ito.


At ito nga ay pinatunayan nina Martha Jose Villanueva at ang kaniyang unang pag-ibig na si JP. Maaaring puppy love nga lang ito sa iilan ngunit kahit pa sampung taong gulang pa lamang sila noon ay naging espesyal at hindi malilimutan ito dahil sa sila ay magkakaklase.


Kahit pa tila magkaiba sila ng ugali at interes ay hindi ito naging hadlang sa kanilang dalawa. Kung si JP ay isang joker at komedyante samantalang prim and proper naman si Martha ay nag-click naman talaga ang kanilang mga personalidad.


Kung kaya naman ng malaman ni Martha na crush siya ni JP ay tumodo pakitang-gilas naman ito sa kaniya. Maging ang pagbibigay ng sulat noong araw ay ginawa din ni JP kay Martha noong isang Valentine’s Day ay binigyan ni JP ng sulat si Martha na mayroon nakasulat na “I love you very very very very much”. Ngunit bigla na lamang kinakailangang mangibang-bansa ng pamilya ni JP. Sinubukan ni Martha na sulatan si JP sa address nito ngunit hindi niya sigurado kung natanggap nga niya ito. Kung kaya naman nang makita ni Martha ang kapatid ni JP sa social media ay naging daan upang muling magkaroon ng komunikasyon ang dalawa.


At nang sila nga ay muling nagkita ay talaga namang ito na ang naging simula ng panibagong yugto ng kanilang pagmamahalan. Bagamat LDR o long distance relationship sila ngayon ay nangako silang hindi na nila muling pakakawalan ang isa’t-isa.



Reply

error: Content is protected !!