Sandara Park sa nakalipas na Paris Fashion Week usap-usapan dahil sa hindi kumukupas na ganda nito!



Si Sandara Park ay nakilala sa stage name niyang Dara. Siya ay isang kilalang mang-aawit at mananayaw mula sa South Korea. Taong 2004 nang siya ay sumali at makilala sa programang Star Circle Quest. Matapos niyang sumali dito ay nabigyan siya ng ilang mga pelikula at programa. Bukod sa kaniyang husay sa pag-arte ay nakilala din siya bilang isang mang-aawit dito sa Pilipinas. Taong 2007 nang siya ay bumalik sa South Korea at makalipas nga ang ilang mga taon ay ginulat niya ang maraming mga Pilipino dahil sa isa siya sa mga magaganda at kahanga-hangang miyembro ng all-girl dance group na 2ne1.

 

View this post on Instagram

 

@balmain #pfw #dara ? by @jaylim1

A post shared by Sandara Park (@daraxxi) on

Kamakailan lamang ay namataan siya sa Paris Fashion Week na ginanap sa Paris, France. Siya ay naimbitahang maging modelo ng Chloe, isang luxury fashion house. Napabalitang isang luxury fashion house din na Balmain ang nag-imbita sa South Korean singer.



 

View this post on Instagram

 

@viviennewestwood #pfw #dara

A post shared by Sandara Park (@daraxxi) on

Nagbahagi din naman si Jay Lim, isang kilalang fashion photographer ng larawan ni Dara kasama ang isang sikat na Japanese fashion model na si Kozue Akimoto. Maraming mga netizen din ang nakapansin sa ganda at kinis ni Dara kahit pa siya ay 34-taong gulang na. Aakalain mong siya ay nasa 25-30 taong gulang pa lamang! Marami din ang nagtataka kung ano nga kaya ang kaniyang sikreto sa napakaganda niyang kompleksyon at nakakaakit na kagandahan!


Marami din namang nagkomento patungkol sa nakakamanghang tagumpay ni Dara ngayon sa kaniyang karera. Nakakatuwang malaman na minsan din siyang naging parte ng buhay nating mga Pilipino. Minsan pa ay isa si Dara sa maraming mga taong ipinagmamalaki ng maraming mga Pilipino.





error: Content is protected !!