Ito ang ilan sa mga nakaka-aliw na mga ‘memes’ patungkol sa pagpapalaki ng mga plaka ng motorsiklo



Marami pa rin ang hindi lubusang tinatanggap ang bagong batas patungkol sa plaka ng mga motorsiklo. Kaya naman may ilan pa rin ang mga nagpoprotesta patungkol dito.


Ang batas na ito ay nilagdaan na ng Pangulong Rodrigo Duterte noong ika-8 ng Marso. Ito ay ang Republic Act no. 11235 o mas kilala sa Motorcycle Crim3 Prevention Law. Layunin ng batas na ito na maiwasan o masolusyunan sana ang mga krimen na may kaakibat na motor. Sa batas na ito ay dapat malaki ang mga plaka na mababasa sa layo ng 15 meters. Ito rin ay colorcoded at ang Land Transportation Office ang nakatalagang ahensya upang magbigay ng mga color coding sa mga plaka.




Maraming tao ang hindi sumang-ayon sa naging batas. Bago pa man lagdaan ang batas na ito ay sangkaterbang protesta na ang ginawa ng maraming mga Riders Club ng bansa. Ilan pa sa mga protesta ay dinaan din sa social media. Sa mga susunod na araw ay ilalabas na ang pagsasatupad ng RA No. 11235 dahil inaayos na ang Implementing Rules and Regulations (IRR).


Pero ano pa man ang gawin, ito ay nalagdaan na. Kaya imbis na mainis ang ilan sa mga Pinoy, dinaan na lang ng iba sa katatawanan. Ilan sa mga ‘memes’ patungkol sa batas na ito ay mapapansin natin sa social media. Ilan dito ay makikita sa Hanep TV. May isang larawan na nagpapakita na sobrang laki ng lisensyang ipinakita sa isang pulis na nanghuli. Mayroon ding larawan na ubod ng laki naman ng helmet ang suot. Malaki naman daw kasi ang plaka, lakihan narin dapat ang helmet.



Isa ring nakaka-tuwang larawan ng ubod ng laki ng motorsiklo. Dapat daw kung malaki ang plaka, malaki din dapat ang motorsiklo. Ito ang isa sa mga katangian ng Pinoy ang pagiging masayahin. Pero ano pa man gawing katatawanan, dapat ay tanggapin na lamang at huwag hayaang negatibong emosyon ang umiral.




error: Content is protected !!