Isang ina ang talaga namang kinarir ang “crazy hair day” sa paaralan ng kaniyang anak, nakakamangha hindi ba?



Disney-inspired ang disenyo ng buhok ng isang bata na ito sa kanilang “Crazy Hair Day” sa paaralan. Isang netizen na nagngangalang Ariel ang nagbahagi ng larawan ng kaniyang kapatid na mayroong disenyong “The Little Mermaid” sa buhok nito. Dagdag pa niya, mayroong event na “Crazy Hair Day” ang kaniyang kapatid sa kanilang eskwelahan at hindi naglalaro ang kaniyang ina dahil talaga namang sineryoso nitong manalo sa nasabing event. Ang nasabing post sa social media ay mayroon nang 100,000 na mga retweet at higit sa 556,000 na likes.



Ibinahagi din ng netizen ang kwento kung bakit ganoon ang disenyo na napili ng kaniyang ina. “My mom did the mermaid (hairstyle) because my name is Ariel and my sister is Atlantis; which is where Ariel lives under the sea,”aniya. Dagdag din ni Ariel hilig talaga nilang magkapatid ang mga sirena kahit noong mga bata pa sila. Ayon pa sa kaniya unang beses lamang itong gawin ng kaniyang ina ay hindi siya bihasa dito.




“My mom didn’t do a fishtail braid because she’s a beginner braider so the fishtail braid was a little more hard. She did what she could do and still succeeded,” dagdag pa ni Ariel.



Marami din namang nga netizen ang humanga sa pagiging malikhain ng kanilang ina. At nang siya ay tanungin kung nanalo ba ang kaniyang kapatid sa nasabing “Crazy Hair Day” sa kanilang paaralan. Agad na sinabi ni Ariel na ang kaniyang kapatid ang nagwagi sa nasabing event.




Dagdag pa nga ng isanh nagkomento ay tiyak na magagalit siya kung hindi magwawagi ang batang mayroong disenyong sirena sa kaniyang buhok.






error: Content is protected !!