“Ma, uwi ka na ng Pinas, ako naman ang magtatrabaho!” sambit ng isang graduate student sa kaniyan ina na OFW.



Masarap maging magulang. Ito ay isang biyayang inaasam-asam ng marami sa atin. Ang tawagin tayong mama, papa, mommy, daddy, nanay, o tatay. Walang makapapantay na saya bilang isang magulang lalo kung naibibigay mo ang pangangailangan at nais ng iyong mga anak.



Ngunit kamakailan lamang ay naantig ang marami sa graduation picture ng isang graduating student na nakilala bilang is Minerva Jane Borja. Marami ang napaluha dahil sa makabagbag damdamin niyang mensahe na “Ma, uwi ka na ng Pinas, ako naman ang magtatrabaho!” na iniaalay niya sa kaniyang ina na Overseas Filipino Worker o OFW.

Ibinahagi ng anak ang lahat ng sakripisyo ng kaniyang ina upang makapagtapos lamang siya ng kaniyang pag-aaral at matustusan ang pangangailangan ng kanilang buong pamilya. Siya ay kumuha ng kursong Bachelor of Science in Travel Management sa OLFU o sa Our Lady of Fatima University.


Ilan lamang sa mga nagpaantig ng damdamin ng publiko ay mga katagang “Mabuti pa yung ‘sahod’ buwan buwan umuuwi ng Pinas.”, “Ako na naman magcecelebrate ng pasko at bagong taon mag isa” at “Ne, sobrang nakakapagod dito wala pakong kain nagkape lang ako.”

Talaga namang hindi mo mapipigil ang mga luhang papatak mula sa iyong mga mata dahil sa mga katagang ito;
“Linyahang sobrang nagpapabigat ng pakiramdam… linyahang hindi ko dapat indahin yung pagod sa pag aaral. Madaling sabihin, madaling isulat, madaling bigkasin pero napaka imposible. Mas pinipili kong pauwiin siya kesa makatanggap ng ano mang materyal na bagay.”


Nang nagtrabaho sa ibang bansa ang ina ni Minerva, siya na ang tumayong ina sa kaniyan mga nakababatang kapatid. Hindi na niya alintana ang hirap ng buhay estudyante dahil alam niyang mas hirap ang kaniyang ina sa pagtatrabaho nito sa dayuhang bansa.

“Sa murang edad nagpaka-nanay sa tatlo kong kapatid, dati si mama gumagawa lahat, nung nagdesisyon siyang umalis ako sumalo lahat ng mga gawaing pang nanay. May mga oras na nasasabihan akong “mas mukha ka pang matanda kesa sa nanay mo” “mukha ka nang manang” yung pakiramdam na hindi mo na magawang mag ayos para sa sarili mo kase mas kailangan mong unahin yung mga kapatid mo. Pagka may gusto akong bilhin nagdadalawang isip ako kase dapat pag meron ako meron din sila. Yung realidad na mismo nagbukas sa isip ko na hindi dapat pansariling kagustuhan yung mauuna. Mas komportable ako sa salitang sila muna bago ako. Kung maraming nawala at kulang sakin simula noong mag-abroad siya, alam kong mas marami siyang tiniis at sakripisiyo sa malayong lugar para sa ikagagaan ng buhay namin at para mabigyan niya kami ng sapat na edukasyon,” pagkukwento pa ni Minerva.



Sadyang labis ang pasasalamat ni Minerva sa kaniyang ina na walang ibang inisip kung hindi ang kanilang kinabukasan. Kung kaya naman ang kaniyang ina ay proud na proud din sa pagtatapos ng kaniyang anak. Tunay ngang bayani ang lahat ng mga ina at mga OFW sa buong mundo!




error: Content is protected !!