Totoo nga diumano ang puting van na nangunguha ng tsismosa!!



Madalas ka bang nagchecheck ng iyong social media account? O di kaya naman ay updated sa lahat ng nangyayari sa iyong kapaligiran? Naging kaugalian na sa ating mga Pilipino ang magbasa at magcheck ng ating mga social media account nang makailang beses sa ating buong araw kumpara sa dati na mas kaunti ang gumagamit ng kani-kanilang cellphone at gadget.



Kahit pa habang kumakain sa hapag-kainan o kaya naman ay bago matulog at maging sa pagkagising, hindi tayo makakatiis nang hindi gumagamit ng cellphone.


Kamakailan lamang ay naging usap-usapan sa social media ang diumano’y puting van na nangunguha raw ng mga tsismosa. Tunay ngang ikagagalak nating lahat ang magsumplong ng kilala nating mga tsismosa. Makakasama kaya sa kanila ang ilan sa mga kapitbahay natin? Aminado naman ang marami sa atin na isa ito sa sumisira ng ating mga araw at talaga namang nagpapainit ng ating mga ulo. Yung tipong wala ka namang ginagawang masama sa kanila ngunit wala silang habas na husgahan, kwestyunin at maliitin tayo.



Ang nasabing puting van na nangunguha ng mga tsismosa ay nakuhanan pa nga ng video ng isang netizen na nagngangalang Arnelli Alpajaro. Ang nasabing video ay labis na ikinatuwa at ikinagalak ng maraming mga Pilipino. Bagamat wala namang ipinakitang tsismosang nakuha ang nasabing van, marami pa rin ang ikinagalak ang nasabing puting van na mayroong nakasulat sa may pintuan nitong “nangunguha ng mga tsismosa”. Tunay ngang hindi mo maitatangging magdudulot ito ng ngiti sa iyong mga labi kapag dumaan sa harapan mo ang puting van na ito.


Ito na nga ba ang magiging solusyon upang kahit papaano ay mabawasan ang mga tsismosa sa mundo? Mas marami na ang mga taong magkakaintindihan at magkakasundo dahil wala nang ibang taong manunudyo at magdadagdag pa ng kung anu-anong mga salita sa mga usaping hindi naman na dapat palakihin pa. Tiyak na mas magiging matahimik, masaya at mapayapa ang ating araw-araw na buhay.


Totoo pala yung Van na nangunguha ng TSISMOSA.(C)Arnellie Alpajaro

Posted by Pinoy Vibes on Sunday, March 24, 2019




error: Content is protected !!