Bumili ng robot ang LTO upang masolusyunan ang backlog sa mga plaka!



Bumili ng robot ang Land Transportation Office upang masolusyunan ang backlog ng plaka ng mga sasakyan. Ayon sa artikulo ng Inquirer, ibinida ng LTO na kapag sumapit na ang taong 2020 ay hindi na magkakaroon pa ng backlog sa license plates dahil sa bago at high-tech na robot na binili ng ahensya. Ang nasabing robot ay kayang gumawa at tumapos ng 700 na plaka kada oras at kabuuang 5,600 plates sa walong oras na operasyon na ito.


Sa Quezon City LTO Office ngayon ginagamit ang nasabing robot na kilala din sa tawag na “IDeRobot”. Ito naman ang pahayag ni LTO Chief Assistant Secretary Edgar Galvante, “Gagamit na kami ngayon ng robot para mas mapabilis ito. Eventually, we feel we can cover up the backlog in due time. Zero plate backlog in 2020.” Ang robot na ito ay karagdagan lamang sa lima pang manual plate-making machines at pitong units pa ng manual embossing machines na ginagamit na ng nasabing ahensya sa kasalukuyan. Tinatayang nasa 22,000 bilang ng plates kada araw ang kayang tapusin ng mga manual machines.




Ito naman ang saad ng Department pf Transportation sa kanilang social media post, “Kung dati, manu-mano ang paggawa ng plaka, ngayon high-tech na! Ganito kabilis magtrabaho ang pinakabagong IDeROBOT System ng Land Transportation Office na naka-base sa plate-making facility ng ahensya sa Quezon City.”

Buong pagmamalaki pa ng LTO Chief na kayang mag-advance production ng ahensya lalo na at tinatayang 1.9 milyong mga bagong sasakyan ang ipaarehistro sa buong 2019 upang makapaglabas agad sila ng mga bagong plaka.


“Mag-aadvance production tayo. May regions na pinadala na ‘yung plaka nila na dapat hanggang June 2019 meron na sila lalung-lalo na ‘yung December 2019, meron na tayong nakapreposition nyan.”


Ang nasabing backlog sa license plates ng mga plaka ay problema na noon pang 2014 dahil sa paglalabas ng notice of disallowance ang Commission on Audit na nagpahinto sa 700,000 na distribusyon ng mga license plates noon.


LTO Plate Making Facility

PANOORIN: Kung dati, manu-mano ang paggawa ng plaka, ngayon high-tech na!Ganito kabilis magtrabaho ang pinakabagong IDeROBOT System ng Land Transportation Office (LTO) na naka-base sa plate-making facility ng ahensya sa Quezon City.#DOTrPH?? #RoadSectorWorks #LTOWorks#ComfortableLifeForAll#PartnerForChange

Posted by Department of Transportation – Philippines on Monday, March 25, 2019




error: Content is protected !!