Alamin kung paano ma-achieve ang body goals na ito dahil sa paggamit ng “One Punch Man” training regime na ito!



Maraming mga tao ang nagnanais na magpababa ng timbang sa panahon ngayon. Lalo na ang mga kababaihan na may katabaan at mga taong nagnanais ng malusog na pangangatawan. Sa panahon ngayon na kalimitang wala nang disiplina ang mga tao lalo na sa pagkain at pageehersisyo, walang duda na lalo pang darami ang mga taong nadaragdagan ng timbang.


Isang 38-taong gulang na Singaporean ang nagtakda ng isang hamon para sa kaniyang sarili noong ika-9 ng Pebrero na “kumain ng masaya at magtunaw nito pagkatapos”. Siya ay nakilala bilang si Sean Seah na isang best-selling author at financial investor na sumubok ng “One Punch Man” workout.



Ang nasabing workout na ito ay nagmula sa isang Japanese anime kung saan ang bida ay nakilala bilang si Saitama o One Punch Man, ang nasabing karakter ay nagkaroon ng kakaibang lakas matapos niyang sundin ang isang workout plan araw-araw sa loob ng tatlong taon.



Ang kaniyang training ay binubuo ng 100 na mga push-up, 100 na mga sit-up, 100 na mga squat at 10 kilometrong pagtakbo araw-araw.


30 Days after CNY

[What's the fastest method to Lose Fats after CNY…]Join me in this 30 days challenge and lets post before and after results! Tag a friend to do this together! Choose your level: (You can increase or reduce as you go along)Level 1: 10 push ups, sit ups, squats + 1km run Level 2: 20 push ups, sit ups, squats + 2km run Level 3: 30 push ups, sit ups, squats + 3km run Level 4: 40 push ups, sit ups, squats + 4km run Level 5: 50 push ups, sit ups, squats + 5km run Level 6: 60 push ups, sit ups, squats + 6km run Level 7: 70 push ups, sit ups, squats + 7km run Level 8: 80 push ups, sit ups, squats + 8km run Level 9: 90 push ups, sit ups, squats + 9km run Level 10: 100 push ups, sit ups, squats + 10km run

Posted by Sean Seah on Saturday, February 9, 2019

Ngunit dahil sa labis labis ito ay napagdesisyunan niyang hatiin ito sa ilang lebel. Isang araw si Seah ay tumimbang ng 70 kilogramo o nasa 154 na pulgada. Sa loob ng isang linggo ay nabawasan ang kaniyang timbang ng 2.8 kilogramo. Makalipas ang 30 araw ay naging 141 pulgada na lamang siya at nabawasan na ang kaniyang body fat.

Ayon sa kaniyang social media post, ito ang kaniyang kinakain sa loob ng isang araw:



“For Breakfast – Siew mai, chee cheong fan / Kopi o kosong or milo kosong.
Sometimes he starts his day with oats+fruits+soya milk.
For Lunch and Dinner – Just normal lunch and dinner; adding that he avoids carbs and sugar and also took a cut down on eating snacks.”

Trained like Superhero for 30 Days

I Trained Like Superhero (1 Punch Man) For 30 DaysJoin us in this (accountability) group https://www.facebook.com/groups/onepunchworkout/And lets do this challenge for 2019And watch the 8 facts before you start the workout!https://youtu.be/M1j3fD7An-c

Posted by Sean Seah on Saturday, March 9, 2019

Hinihikayat niya ang marami na subukan din ang kaniyang ginawa nang naaayon sa kakayanan ng kanilang katawan at timbang.




error: Content is protected !!