Tiyak na matutuwa ka sa mag-lola na ito sa paggawa nila ng “Dalagang Pilipina Challenge”!



Sadyang napakalaki na talaga ng naging impluwensiya sa atin ng social media. Dati rati ay walang problema kung kakain tayo kaagad dahil sa gutom, ngunit ngayon ay maaari pa lang isantabi ang gutom para makuhanan ng magandang anggulo ang pagkain at maibahagi sa social media. Dati rati ay kaya nating makatiis ng telebisyon lamang o kaya naman ay radyo at dyaryo ang kaharap sa umaga, ngayon pala ay hindi na.



Sa pagkahilig natin sa social media ay marami na ding nagsusulputang mga memes, o di kaya naman ay mga online challenge. Isa na nga dito ang “Dalagang Pilipina Challenge” na kung saan sa una ikaw ay magpapaka-dalagang Pilipina muna at tila magiging isang babaeng hindi makabasag ng pinggan ngunit kalaunan ay lulukutin mo na ang iyong mukha, ngingiwi ang iyong mga nguso at magpapacute sabay nang pagpapapanget nb iyong sariling mukha.


Ilan na rin sa mga kilalang personalidad at artista ang gumawa nito at ilan sa mga naging viral talaga ay sina Maine Mendoza, Rufa Mae Quinto, Anne Curtis, Vice Ganda, at marami pang iba. Ngunit hindi rin naman nakalampas sa mata ng publiko ang kakaibang bersyon ng netizen na si “Trix Pequena”. Talaga nga namang malilibang at matatawa ka sa kaniyang bersyon dahil sa kasama niya ang kaniyang mahal na lola na game na game din namang sumali sa kaniyang apo. At nag–”heart heart” sign, nag–peace sign, nagpanguso–nguso at nagpangiwi–ngiwi ang mag–lola sa nasabing viral video.


Labis din namang hinangaan ng marami ang ganda ng dalaga dahil sa may pagkakahawig din siya sa ilang artista gaya na lamang nina Jessy Mendiola, Valerie Concepcion at Yeng Constantino.




Ito naman ang ilang mga komento ng mga giliw na giliw na mga netizen:

 

View this post on Instagram

 

#dalagangpilipinachallenge ?

A post shared by Trix Pequena (@trixpequena) on




error: Content is protected !!